Chapter 16

10 0 0
                                    

Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko. Sa totoo lang kanina ko pa ito nararamdaman na nag vivibrate pero hindi ko lang ito napapansin dahil sa sobrang antok ko. Sinagot ko na din agad ito. Sino naman ang tatawag sa akin sa ganitong oras? 

Caller: Hi good morning, I'm sorry to disturb you, may I speak with Ms. Trisha? 

Ako: Yes? Speaking 

Caller: Ma'am this is from Wattpad company 

Ako: Wattpad company? (nag bubuff pa ang utak ko pero nanlaki agad ang mga mata ko) Ah! Wattpad company? Yes? (ang bilis ng tibok ng puso ko) 

Caller: We appreciate your story Ma'am and you already reached almost 10 million views from our readers. So Ma'am we are interested in your story and I called you to ask if you want to publish your story to the major bookstores? 

Ako: Oh My God! is this for real? 

Caller: Yes Ma'am this is real. 

Ako: Oo naman po ! opo gusto ko po iyan ! 

Caller: Okay Ma;am actually we already proofread your story for some grammar corrections so , proceed na lang po kayo dito sa office para po makausap kayo ng personal. 

Ako: Okay, okay uhhh can you give me the exact address of your office? 

Caller: I'll text you the whole details na lang po Ma'am anything questions po? Dito na lang po natin pag usapan iyan. 

At naputol na din ang linya, sa sobrang tuwa ko sumigaw ako ng sobrang lakas at naglulundag ako sa ibabaw ng kama ko. At sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko ay napasugod sa kuwarto si Mama. 

Mama: Anong nangyayari sayo? 

Ako: MAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 

Mama: Ano bang nangyayari pambihira ka namang bata ka oh! 

Ako: Ma! see? tumawag sa akin ang Wattpad at ipupublish daw nila ang story ko!!!!!!!!!!!

Mama: Talaga anak? hindi ka ba nagbibiro niyan? 

Ako: Do I look like I'm joking Ma? Hahaha ang saya saya ko talaga !!!! 

Mama: Oh ano na daw? 

Ako: Pupunta ako sa office nila ngayon para pag usapan namin ang iba pang detalye.. At siguro contract signing na din!!!! 

Mama: Talaga anak? Naku proud na proud naman ako sa anak ko ! O sige at gumayak ka na baka magbago pa ang isip nila 

Ako: Ma naman e! 

Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na mangyayari ito. Syempre kailangang malaman din ito ng bestfriend kong si Diane ! Tiyak na matutuwa iyon ! 

The number you have dialed is unattended please try again later. Huh? 10 times na halos ako tumatawag unattended pa din? Anong nangyayari dun? Anyway, kailangan ko nang kumilos at tama ang mama ko, baka magbago pa ang isip nila. 

Mabilisang pagligo lang ang ginawa ko at mas natagalan ako ngayon sa pag pili ng damit. Halos sampung damit na ang naimodel ko sa harap ng salamin ko, wala pa din akong napipili. Ah!!! ang hirap mamili ng damit makisama naman kayo please? Pero naisip ko na simpleng damit lang ang suotin ko. Mas maganda ng simple ! Ayoko ng masyadong engrande. Kaya pinili ko na lang ang mag maong pants, at mag tshirt na green na may design na starbucks. Okay na yan! 

...

Nag Taxi na ako papunta sa office ng Wattpad. Imagine? Pupunta ako ngayon sa opisina ng Wattpad at hindi ako makapaniwala sa sunod sunod na kaswertihang nararanasan ko ngayon! Thank you po talaga Lord! bigtime! 

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon