Chapter 5

17 0 0
                                        

Chapter 5

Ang dilim, mahina talaga ang mata ko sa dilim. Hindi ako nakakakita pag madilim mahigpit ang pagkakawak ko kay Daniel dahil natatakot akong matapilok kung saan. “Humawak ka lang sa akin” sabi niya at namula na naman ako. Pakiramdam ko sa mga oras na ito boyfriend ko na siya. Nakapili siya ng maganda gandang upuan sentrong sentro para kitang kita talaga ang mga kaganapan sa palabas.

Nakakatawa itong palabas na ito. Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa subalit nag iba ang kondisyon ko dahil sobrang nilalamig na ako sa loob ng sinehan. “Are you cold?” tinanong niya sa akin ng pabulong. Hindi ako sumagot pero nakikita naman niya na talagang nilalamig ako. Hinubad niya ang jacket niya at pinatong niya ito sa balikat ko. Sa ngayon, hindi lang ako namula pero gusto ko nang mahimatay nitong mga oras na ito at gusto kong siya ang sasalo sa akin kapag natumba ako. Napakagentle man talaga, wala akong masabi. Tumango na lang ako bilang pasasalamat.

 ***

Dalawang oras halos ang itinagal ng palabas nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. “Kailangan ko rin maglagay ng comedy at konting thrill para hindi masyadong seryoso ang kwento” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papalabas ng sinehan. “Nakuha mo, sadyang matalino ka lang talaga” inirapan ko siya nang sabihin niya yun “Matalino naman talaga ako!” natawa siya sa sinabi ko. Namula na naman ako dahil ngayon ko lang siya nakitang tumawa at habang tumatakbo ang araw, lalo siyang gumugwapo. Ang gwapo niya talaga. May girlfriend na kaya ito? Nakahawak pa rin siya sa kamay ko kahit na nakalabas na kami ng sinehan. “Hungry?” halos nakalimutan ko na hindi nga pala kami kumain ng tanghalian kaya ng sinabi niya iyon, bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom na ako. Tumango na lang ako at alam na niya ang ibig sabihin nun.

Dinala niya ako sa Mann Hann. Restaurant siya dahil ang mamahal ng mga pagkain “Daniel hindi mo ko kelangan dalhin dito. Kahit Mcdo lang okay na ako” hindi lang siguro ako sanay kumain sa mamamahaling restaurant lalo na kapag kasama ko si Daniel. “It’s my treat” ang dami na niyang nagagawa para sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Ginagawa niya ba ito dahil tinutulungan niya ako o dahil may gusto pa siya mangyari higit doon? Maraming naglalaro sa isip ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin.

“Nabusog ka ba?” hindi ba halata? Tinanong pa niya ako, eh halos mabundat na ako sa kabusugan. “Oo naman tignan mo nga oh!” tinuro ko sa kanya ang tiyan ko. Halos mukha na akong buntis. “Haha! Ang lakas mo pala kumain!” para din itong si Diane. Lahat na lang pinupuna. “Tara na uwi na tayo mag gagabi na” ang haba naman kasi ng pinanuod namin kaya takaw talaga sa oras. “Bitin” namula ako ng sinabi niya iyon. Naghahangad pa siya ng mas mahaba? “tara na Daniel uwi na tayo” kung ako rin naman ang tatanungin, gusto ko pa siyang makasama ng matagal subalit gabi na, hahanapin na ako ng mga magulang ko at tiyak mag aalala sila ng bonggang bongga.

Hinatid niya ako sa sakayan ng jeep. Lagi naman akong ganito. FX sa umaga, jeep sa uwian. Ayaw ko lang talagang naiinitan sa umaga dahil ayaw na ayaw kong nakikipagkita o kaya naman ay pumapasok na mukhang gusgusin sa sobrang dami ng usok na sumalubong sa mukha ko. “Sa susunod ulit Trish. Magtext ka kapag nakauwi ka na” tanong ng nag aaalala. Pero para sa akin, concern lang siya. Hindi pa dapat ako mag hangad ng higit pa sa mga pinapakita niya sa akin ngayon. Dahil ayokong masaktan, sabi nga nila, too much expectation leads to disappointments at ayokong mangyari iyon.

***

Pagkauwi ko ng bahay ay dali dali akong nagtext kay Daniel.

            Ako: Daniel, nakauwi na nga pala ako. Salamat sa araw na ito. Napasaya mo ako J

Wala pang sampung Segundo, ay nagreply na siya

            Daniel: You’re welcome. Masaya rin ako higit pa sa saya na naramdaman mo J

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon