WAKAS NA TALAGA ITO!

12 0 0
                                    

Kinaumagahan, paglabas ko ng kuwarto ko ay walang tao.. Nasaan kaya si Mama? Si Papa? Aba nagmistulang ghost house ang bahay namin at sobrang tahimik. Saan ba sila nagpunta at hindi man lang naglagay ng note sa Ref samantalang kapag aalis sila ay naglalagay sila ng note sa Ref kung saan sila pupunta.

Agad kong tinignan ang cellphone ko, ngunit walang message kahit sino sa lahat ng mga kakilala ko. Ano ba yan nakakabaliw ! Anong gagawin ko? Tatanga ako dito sa bahay buong maghapon? Hindi puwede iyon! may natitira pa naman akong balance sa ATM ko at mag shoshopping ako ! O kaya mag kakaraoke o mag quantum.

Itong mga taong ito, hindi man lang marunong mag paalam.

Napagpasyahan ko na magpunta na lamang ng SM North. As usual, yun lang naman ang pinakamalapit na mall sa amin. Sapagkat busog pa ako, naisipan ko na lamang magtungo sa Quantum at nakita ko doon ang drummer. Binati niya ako sa pagiging successful ng aking istorya.

Namiss ko ito, namiss ko ang mag drums ang tagal din naging mapait ang buhay ko at nakakapagod iyon. Kailangan kong bawiin ang lakas ko at unti unti ko nang nararating ang sagot sa aking mga katanungan kaya kailangan talaga na magpalakas ako.

At syempre sino ba ang naglalaro na hindi napapagod? Naka tatlong games lang ako sa drums at sumuko na ako. Kumakalam na ang sikmura ko kailangan ko ng kumain ngunit napagpasyahan ko na magtungo muna sa Bookstore... gusto ko lamang makita ang kung may progreso ba ang story ko.

Pagkapasok ko ng National Bookstore ay nginingitian ako ng mga tao at naisip ko na nakakatulong pala ang pag book sign sa kasikatan mo. Ginantihan ko rin sila ng ngiti at sinasabi ng mga ngiti kong ito na maraming salamat sa pagtangkilik niyo sa libro ko.

Pumunta ako sa Best Seller's Section. Napangiti ako nang maalala ko na dito kami unang nagkatagpo ni Daniel. Dati rati, ang libro niya ang nakalagay dito, at para pa rin akong nananaginip na makita ko na ang libro ko na ang nakalagay dito. At unti unti itong nauubos kakakuha ng mga tao lalo na ang mga teenagers... Naisip ko na siguro sobrang nakarelate sila sa istorya ko. Maraming broken hearted ngayon. Pero sinasabi ko sa istorya ko na hindi ka nag iisa kaya wag ka malungkot dahil marami ka namang kaibigan para maging masaya ka. At kailanma'y hindi magiging rason ang pag boboyfriend para maging masaya ka. Congratulations ha? nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako... pamilyar sa akin ang boses na ito. Unti unti akong humarap sa kung kanino man nanggaling ang pagbati na iyon..

Daniel: Congratulations... Ms. Trish... what a successful story of yours

Ako: ...............................

Daniel: I'm Daniel ..and of course you are Ms. Trish.... (inalok niya ako na makipagshake hand) gusto ko sanang makipagkilala sa iyo...

Ako: Ha?

Daniel: Gusto kong bumalik tayo sa simula kung saan nagsimula ang lahat.

Ako: Daniel hindi kita maintindihan

Daniel: Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at handa akong ipagsigawan sa lahat ng taong nandito iyon. Maraming witness... (nilingon niya ang mga ito at nakita kong sila mama, papa, diane at iba ko pang mga kamag anak ang nakakakita samin ngayon)

Ako: Daniel ano ito? Anong pasabog to nakakahiya

Daniel: Hindi ko ikinakahiya ang babaeng mahal ko.... Trish alam ko na sobrang nasaktan kita kaya sana maintindihan mo ako...

Ako: Daniel nabigyan na ng sagot ang mga katanungan ko at hindi mo na kailangang mag explain pa... (naiiyak na ako) at mahal na mahal pa rin kita

Daniel: sssshhh bawal umiyak shooting ito...

Ako: Nagawa mo pa magloko

Daniel: Ayoko nang makita kang nasasaktan.... Sobrang nagdaramdam ako hindi ko kaya...

Ako: ........

Daniel: Ms. Trish I'm Daniel please don't cry.... so.... can we start again? (lumuhod ito at may presentang ring)

Ako: Hindi pa ko..

Daniel: I'm not proposing a marriage, this is just a start...

Ako: Daniel (ah naiiyak na talaga ako)

Daniel: I love you Trish, ikaw lang at wala ng iba..

Ako: Daniel , I love you too

Daniel: Is that a yes?

Ako: YES........tumayo ka na diyan at nakakahya ang ginagawa mo ... inimbita mo pa ang mga mahal ko sa buhay ang korni mo talaga...

Daniel: Sinong mas korni satin dalawa halika nga dito...

Then we kissed.... sa mismong Bookstore..

AKo: Sobrang namiss kita Daniel

Daniel: baka naman may kapalit na ako ah ?

Ako: grabe ka naman ! ikaw nga lang diba ?

Daniel: so... ako lang ang Mr. Wattpad mo?

Ako: ikaw lang wala ng iba.....

Daniel: hinding hindi na ako muling mawawala pa sa tabi mo pinapangako ko yan...

This is the Ending..

Konting mensahe lang para sa mga single sa mga babae sa mundo... na huwag na huwag po kayong magmadali, hayaan niyo lang ang life. dahil kusang darating ang para sa inyo na hindi niyo na lang namamalayan. At iyang mga ex na yan? mga lessons lang iyan. Para pag nameet niyo na ang Mr. Right isa na kayong matatag, at hindi na basta basta pang pwedeng saktan.

Maraming salamat po sa pagtiyaga ninyong basahin ang aking kuwento...

SIGNING OFF...

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon