Chapter 9

13 0 0
                                        

Chapter 9

Bumalikwas ako sa kama nang Makita kong maliwanag na. “Shit! 10:30 na!” masyado akong nalibang sa pagtulog sa sobrang puyat ko. Sakto lang naman, hindi naman bangag, nakatulog naman ako ng mahimbing. Dali dali akong nagpunta sa CR para maligo. Para akong trumpo na nagmamadali, nagkalagas lagas na naman ang buhok ko kakasuklay.

Jeep na lang ang sinakyan ko “first time to” hindi talaga kasi ako sumasakay ng jeep kapag papasok, pero dahil late na late na ako, wala na akong choice. Libre blower, libre din langhap ng usok. Mabuti na lang maluwag ang upuan, hindi kami parang mga sardinas na nagsisiksikan.

Sakto lang ang pagdating ko sa school, wala pa si ma’am. May natitira pa akong oras para makipag daldalan kay Diane. “Girl, ano, kamusta na ang date niyo?” eto na naman siya, nagsisimula na naman siya ng mga maintrigang tanong sa akin. Pero dahil kaibigan ko siya, sa tingin ko naman ay karapatan niya din malaman. “Masaya, sobrang saya kasi unang beses ko pa lang nakapunta dun” nabighani siya sa mga kinuwento ko, sa mga nakita ko sa Ocean Park. “Talaga? Tapos ano pa?” namula muna ako bago ako nagpatuloy sa pagsasalita “Nagkiss kami” wala na nasabi ko na eh, hindi ko na mababawi pa. Hala siya halos sabunutan niya ako sa sobrang kilig. Mas kinikilig pa siya sa akin. “Teka nakakahalata ako ha? Mas kinikilig ka pa sa akin” napakalma ko naman siya sa lagay na yun “Eh paano ba naman girl! Hindi mo akalain na magiging boyfriend mo ang isa sa mga sikat na awtor sa wattpad! Si Mr. Wattpad mo!” oo nga ano? Si Mr. Wattpad ko. Kahit naman ako, hindi din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang ang bilis kasi. Nakuwento ko din kay Diane na natapos ko na ang istorya ko. “O, ano nang nangyari sa istorya mo? Napublish mo na ba?” hindi pa ako handa ipublish yun “Hindi pa eh, kasi gusto ko munang hingan ng opinion si Daniel” baka kasi mabigo ako sa ineexpect ko. Masasaktan lang ako.

Single lang kasi itong si Diane, kaya ganun na lang kung maka reak siya sa mga kinukwento ko sa kanya tungkol sa amin ni Daniel. Minsan nga naisip ko, hanapan ko kaya ng syota to? Mag work kaya?

Maya maya lang ay pumasok na ang guro namin. “Improving Ms. Garcia, hindi ka na nalelate” nako ma’am kung alam niyo lang ang pinagdaanan ko. “Hehe, oo nga po eh” ako kasi ang paborito ng guro namin. Laging ako ang napapansin niya, dahil lagi akong late sa klase. Ginagawa ko na lang talaga ang lahat ng makakaya ko para hindi na ako laging nalelate, dahil madami na akong lessons na hindi ko naaabutan dahil sa pagiging late ko.

Nag quiz kami at natuwa naman ako dahil perfect score. “Yes! Perfect ako!” improving eh. “Wow girl, dahil ba yan kay Mr. Wattpad?” tanong sa akin ni Diane nang Makita niya ang score ko. Hindi ako sumagot pero napaisip ako. Siguro nga, dahil nga siguro kay Daniel, kaya hindi ako nalelate ngayon, kaya nakakaperfect ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag inspired ano?

***

Late na din kami pinalabas ng guro namin, dahil madami siyang pinagawa sa amin ngayong araw na ito. Deretso uwi na din kami ni Diane, walang pasyal pasyal kasi masakit na daw ang ulo niya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yung mga exercises namin nang walang kahirap hirap. Ganito pala ang nagagawa ng pagiging inspired. Gumagaling ka sa ginagawa mo.

***

Pagkapasok ko ng kuwarto, tinext ko si Daniel para ibalita sa kanya na tapos na ang istorya ko.

            Daniel: Sige mag oonline ako ipasa mo muna sa email ko yung gawa mo rereviewhin ko.

Binigay niya ang email niya sa akin at agad ko namang pinasa sa kanya ang Microsoft Word format ng istorya ko.

Halos tatlong oras na, hindi pa din siya nagrereply. Kaya naisipan kong kumain na lang muna. Nilagang buto buto para sa hapunan. Isa sa mga paborito kong putahe kaya nabundat na naman ako sa mga kinain ko. Maagang natutulog sila mama at papa kaya hindi ko na sila nadatnan para kausapin. Gabing gabi na din kasi at ako, naghihintay ako ng reply ni Daniel. Pagkatapos kong kumain, naglakad lakad muna ako sa sulok ng bahay naming para magpababa ng kinain.

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon