Chapter 4

23 0 0
                                        

Chapter 4

Ayoko ng kwentong pag ibig. Nakakasawa na kasi, puro na lang kilig. Gusto ko naman yung may sense, kahit na maikli lang pero nandoon na lahat ng gusto kong ipahatid sa mambabasa. Ano kaya kung gumawa ako ng kuwento tungkol sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao? Lalo na sa mga Pilipino. Kahirapan ang pinakaunang problema ng bansa, isa na rin ang korapsyon. “Tama eto na lang!”

            Sinimulan ko na ang una kong chapter sa Wattpad. Pinamagatan ko itong “Bayarin” tungkol ito sa babaeng nagpapabayad dahil iyon lamang ang alam niyang paraan para makaahon sa kahirapan, dahil hindi naman siya nakapag aral, at wala nang pang aral. Naisipan na lang niyang pumasok sa trabahong kahit alam niyang mali at madumi, basta ang importante makakain lang siya at makatulong sa pamilya niya.

            Nakatapos ako ng halos limang Chapter ng istorya ko. Inaantok na ako, masakit talaga sa mata ang ganito, lalo na’t babad ako sa laptop. Halos hindi na ako nakakain para lang makapagsimula sa istorya ko. “Ano kayang sasabihin ni Daniel bukas?” hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nahihiya na nagagalak na hindi ko maipaliwanag.

Sinave ko na muna ang istorya ko, pero hindi ko pa ito pinapublish. Gusto ko muna malaman ang opinyon ni Daniel at mas maganda pa nga kung matapos ko muna lahat ng chapter bago ko ipublish.

Pagkasara ko ng laptop ko, narinig ko ang cellphone ko na tumunog. May nagtext, number lang at agad ko naman binuksan.

            Daniel: Daniel here, save my number. See you tomorrow ;-)

            Galing kay Daniel! Namula na naman ako. Ako lang naman kasi yung klase ng tao na kahit sa text lang o sa chat o message pa yan, emotional pa rin ako. Sinasabi ko talaga kung anong tunay kong nararamdaman kaya mabilis na lang akong kiligin kapag may nagsasabi sa akin ng mga matatamis na salita.

***

Nagising ako sa amoy ng niluluto ni mama. Mukha talaga akong pagkain, hindi lang dahil sa matakaw ako, pero dahil mahilig talaga akong kumain pero hindi ako tumataba. Yun lang ang maganda sa akin, hindi uso sa akin ang diet. Nagmuni muni muna ako bago ako lumabas ng kwarto, nakaugalian ko na kasi na magmuni muni pagkagising ko.

Agad akong nagpunta sa CR para magtoothbrush at pagkalabas ko, nakita ko na si mama na naghahain ng almusal sa lamesa. “O, Trish, gising ka na pala. Tara na at kakain na tayo” pero napansin kong wala si papa “Nasaan po si papa?” alam ko na ang sasagutin ni mama, nasa trabaho na naman. Umupo na lang ako para kumain. Longganisa at sinangag na kanin para sa almusal. Masarap ang longganisa dahil bigay pa ito ng lola ko galing ng probinsya.

Sadyang mas mayaman ka talaga kapag sa probinsya ka nakatira, dahil hindi mo na kailangang bilhin ang mga pangangailangan mo. Hihingi ka lang sa kapitbahay kapag wala ka. Kaya minsan, ako na mismo ang nagmamakaawa sa kanila na magbakasyon kami sa probinsya hindi lang dahil masusustansya ang pagkain pero dahil na rin sariwa ang hangin doon. Dito sa Manila? Puro usok kaya lung cancer ang pangunahing sakit ng mga Pilipino. Dagdagan mo pa ng matitigas ang ulo na ayaw magpaawat sa sigarilyo kahit mahal na ang isa nito.

“Mama aalis nga pala ako, pupunta ako ng SM North mamayang 10:00” sa totoo lang kailangan ko nang maligo pagkakain dahil tanghali na pala ako nagising at 9:00 na sa orasan ko ngayon, may trenta minutos pa ako para mag ayos. “Ano namang gagawin mo dun?” ayan na naman ang nanay ko. Tanong ng tanong, sabagay, hindi mo naman masisisi ang mga magulang dahil nag aalala lang naman sila sa kanilang mga anak. “Magkikita po kami ng kaibigan ko” tumango na lang siya at ang ibig sabihin nun, ay pumayag na siya na umalis ako. Kaya naman dali dalian kong hinugasan ang pinagkainan ko at dumeretso sa CR para maligo.

***

            Daniel: Trish nasaan ka na? Nandito na ako

            Hala nagtext na si Daniel, nasa daan pa ako pero malapit na.

            Ako: Malapit na ako sandali na lang

Hindi na siya nagreply, nakakahiya naman para sa isang awtor ang paghantayin siya. Ang bagal naman kasi netong driver ng FX eh naghahakot ng pasahero. Kahit na alam na niyang hindi siya ang tinitignan ng pasahero, hinihintuan pa rin, aba, lalo nga talagang babagal.

***

Nakita ko kaagad si Daniel pagkapasok ko sa Starbucks. May inorder na pala siyang kape para sa akin at pakiramdam ko sobrang tunaw na iyon dahil sa sobrang tagal ko.

“Trish!” kinamayan niya ako para paupuin ako sa harap niya. “Daniel, pasensiya na ha kung napaghintay kita. Mabagal lang talaga akong kumilos” naku hiyang hiya talaga ako at pinaghintay ko itong awtor na ito. “Ano ka ba, okay lang umorder na ako ng kape para sa iyo. Mocha Frappe gusto mo diba?” aba, kahapon lang kami nagkakilala pero pakiramdam ko kilalang kilala na niya ako. “Naku nag abala ka pa. Ako na nga itong hinintay mo” humble effect lang pero gusto rin.

Hindi rin nagtagal ay inutusan niya akong buksan ang laptop ko. Hindi naman ako nahiya kasi apple naman ang laptop ko. “Wow, naka Mac ka pala” sabi na nga ba mapupuna niya eh “Oo eh kasi sabi ng mama ko mas maganda daw pag apple products kaya eto na lang ang binili niya sa akin” lagi kasi akong nasisiraan ng laptop dahil sa sobrang adik ko sa mga laro, pero ngayon hindi na. Pagsusulat na lang talaga ang interes ko. Binuksan ko ang laptop ko para ipabasa sa kanya ang soft copy ng istorya ko. “Buti sinave mo muna sa Word” sabi niya. Sinave ko muna talaga sa word dahil ayoko nang paisa isa. Gusto ko kapag pinublish ko sa Wattpad, isang bagsakan na, copy paste na lang galing sa Word. Mabilis siya magbasa, kada isang minute, nag sscroll down na siya. Humigop muna siya ng kape bago siya nagsimulang magsalita “So, ang istorya mo ay tungkol sa babaeng bayarin?” hindi lang naman iyon ang punto ko ah! “Nakukuha ko ang nais mong iparating. Gumawa ka ng ganitong klase ng istorya dahil gusto mo maging unique. At eto lang ang paraan mo para maipahayag mo ang opinyon mo tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa tama ba ako Ms. Trish?” nagkamali ako, nakuha pala niya ang punto ko. “Ah, oo – oo tama ka”

“Maganda ang istorya mo Ms. Trish kakaiba sa mga istorya na nakikita ko sa Wattpad at sa istorya ko rin. Sinuwerte lang talaga ako dahil nagustuhan ng Wattpad ng Wattpad ang istorya ko at nang mambabasa rin” inilahad niya sa akin kung paano naibenta ang kanyang istorya. Masyadong mahaba ang sinabi niya kaya naubos ko kaagad ang kape ko. “Sa tingin ko Ms. Trish maglagay ka ng twist sa story mo na mag uudyok sa mambabasa na basahin pa nila lalo ang istorya mo” Twist? Hay ang hirap kaya mag isip “Passion lang Ms. Trish. Passion lang ang sagot diyan” ibang klase talaga itong taong ito. Parang may telepath powers na kayang magbasa ng iniisip ng tao.

“Gaya ng sinabi ko Ms. Trish tutulungan kita sa istorya mo” sinara niya na ang laptop ko at inabot ito sa akin para ilagay ito sa bag ko. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko “Halika” hindi ko pa masyadong nasara ang bag ko nang kaladkarin niya ako palabas ng Starbucks. “Teka saan tayo pupunta?” ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, na parang ayaw niya akong pakawalan. “Manunuod tayo ng sine. Para magkaroon ka ng idea sa istorya mo” Ha? Sine? Bigla akong nakaramdam ng kaba nang sinabi niya yon. Unang beses ko pa lang manuod ng sine na may kasamang lalaki. NBSB ata ako (No Boyfriend Since Birth) hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya ang ginagawa niya. Hindi na ako nagtanong at para sa akin wala namang malisya na hawakan niya ang kamay ko dahil kahit naman mag bestfriends nag hahawakan din naman ng kamay.

“Tanging ina finale” ano daw? Manonood kami ng comedy? Tapos sasabihin niya sa akin, dagdag idea sa istorya ko? “Magandang palabas ito pandagdag ng ideya mo sa istorya mo. Manuod ka lang Ms. Trish mauunawaan mo rin ang sinasabi ko” may tiwala naman ako sa taong ito kaya naman wala na rin akong nagawa at pumayag na lang na manood ng sine kasama siya.

Ibang klase na pala ang sinehan ngayon. Parang MRT na, may card at ticket na ibibigay sa iyo at ihuhulog mo iyon bago ka pumasok. Para kontrolado ang mga pumapasok at walang magtangkang mandaya. 

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon