Chapter 6
Nag sagot lang naman kami ng exercises, kaya naman maaga ulit kami pina uwi ng guro namin. “Trish! Tara daan tayo ng National Bookstore?” sa ngayon, hindi na ako tatanggi lalo na’t alam niya na nagsisimula na akong magsulat “O sige, mabilis lang tayo ha? Kasi mahirap sumakay” totoo naman talaga na mahirap sumakay kapag ginabi ka; at ayoko na maranasan ang naranasan ko noong mga nakaraang araw.
Kakaunti lang ang tao sa National Bookstore, yung iba naman, school supplies lang ang pakay. Pumunta kami ni Diane sa best seller section, para tignan kung may bago. May bagong stock na naman ang libro ni Danielle. Best seller pa rin hanggang ngayon. “Bakit ba lagi mong tinitignan yang libro na yan?” hindi ko magawang maka takas sa mga tanong niya. Sa tingin ko, eto na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya. “Sa totoo lang, marami akong ikukwento sa iyo. Masyado ng marami ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Huwag ka na lang muna bumili ng libro ngayon. Kumain na lang tayo sa Mcdo, para makapagkuwentuhan tayo” niyaya ko siya na kumain sa Mcdo, para hindi na ako kakain pag uwi ko sa bahay, at para matigil na siya sa kakatanong niya sa akin.
Mabuti na lang at kakaunti lang ang kumakain sa Mcdo, kaya nakaupo kaagad kami. Gaya ng dati, Mcsavers ulit ang inorder namin dahil iyon lang ang kaya ng baon namin. Ako na ang nagsimulang mag salita, kaysa naman magkikibuan na lang kami kung sino ang unang magsasalita sa amin. “Yung libro na iyon, na lagi kong tinitignan. Si Daniel Cruz, yung awtor” lumunok muna ako ng malalim, bago ako nagsalita ulit “nagkikita kami. Nilibre niya ako sa Starbucks nung sabado, at nanuod din kami ng sine. Tanging ina.” Hayop na pamagat yan, parang nagmumura. Nasamid si Diane nang sinabi ko na nagkikita kami ni Daniel. Halos lumabas na ang kanin sa ilong niya sa sobrang gulat niya. “Ano Trish?! Nagkikita kayo ni Daniel? Yung awtor? O-M-G Trish! Weekend lang ang pagitan ng pagkikita natin, pero ang dami na palang nangyari!” hindi pa rin siya makapaniwala sa mga kinukwento ko. Inabot ko sa kanya ang Iphone ko para ipakita sa kanya ang mga text namin ni Daniel.
“Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga text niya sa akin. At iyan ang dahilan kaya antok na antok ako ngayon” sa tingin ko, alam na niya kung ano ang punto ko “Dahil naiiisip mo siya Trish? Alam mo Trish, sa tingin ko, gusto ka na ng tao na to” namula ako sa sagot niya. Hindi talaga ako umaasa “Ayoko mag expect Diane, ayoko masaktan. Lalo na’t NBSB ako” inirapan naman niya ako sa sagot ko “Ano ka ba girl! Hindi pwedeng puro saya na lang ang mararanasan mo! Malamang masasaktan ka rin! Hindi ka matutututo magmahal kapag hindi ka nasaktan!” kung makapag payo siya, akala naman ay may karanasan na. Dahil lang siguro iyon sa mga librong nababasa niya, kaya inaapply niya rin sa totoong buhay. “Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko” mababaliw na ata ako kakaisip.
***
Hindi rin kami nagtagal sa kuwentuhan namin, ngunit masasabi ko na sobrang hindi talaga siya makapaniwala sa mga kinuwento ko. Nakahinga na ako ng malalim dahil kahit papaano, meron na akong nasabihan ng saloobin ko. Maaasahan talaga si Diane kahit na mas madalas pa ang topak niya kaysa makausap siya ng matino.
Gaya ng dati, ako ang tagabukas ng bahay namin. At pag uwi ko, ako lang ang mag aasikaso sa sarili ko, kaya naman nagluto na lang ako ng nilagang buto buto. Ulam na nila mama at papa yun at nauna na akong kumain para matuloy ko na ang mga susunod pang kabanata ng istorya ko.
Bigla kong naalala si Daniel. Namimiss ko na siya. Gusto ko na ulit siya makausap at makasama. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko “Hindi kaya in love na ako?” biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi ko yun sabayan pa ng vibration ng cellphone ko na tiyak si Daniel na naman ang nagtext sa akin.
Daniel: Trish, haven’t heard of you today. Just missing you L
Hala ! may sad face! Bigla naman ako nataranta
Ako: Why sad? L
Sa totoo lang miss na miss na kita
Daniel: Pwede ka ba ulit sa sabado?
Ako: Oo naman. Wala akong pasok pag sabado hindi ba?
Daniel: Tara labas tayo. Wag mo na muna dalhin ang laptop mo. Gusto ko lang talaga lumabas sa sabado. Moment lang natin dalawa
Hala! Namula ako ng bonggang bongga! Niyaya niya ako mag date !
Ako: O sige ba, ayos lang naman sa akin yun J
Daniel: O sige, sabi mo yan ah? Wag kang mag alala, sagot ko naman eh J
Ako: Loko loko!
Daniel: O sige sa sabado na lang? I can’t wait! Sana bukas pagkagising ko, sabado na J
Hindi na ako nagreply. Binasa ko na lang ang mga text namin at naglulundag ako sa kama sa sobrang kilig at saya. Tumatawa ako sa sarili ko at pulang pula ako ramdam na ramdam ko iyon sa mga pisngi ko. “Oh my God Daniel!” sabi ko sa sarili ko. Ganito naman ako lagi kapag kinikilig, kahit na artista lang, ganito pa rin ako kiligin. Pero ngayon iba na, hindi na artista. Totoo na talaga.
***
Nakatulog ako ng maayos at nabawi ko na din ang lakas ko. Sobrang saya ko kagabi at pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap at abot langit ang ngiti. Bumalik na rin ako sa dati kong lakas kumain. Halos malapit ko na maubos ang isang kaldero ng kanin. Ayos na ito! Bawing bawi na ang lakas na nailabas ko kahapon.
***
“O, Trish, blooming ka ah?” napuna na naman ako ni Diane dahil napansin niya na namumula ang mga pisngi ko. “Hmm.. Masaya kasi ako eh Hi-hi-hi” natatawa ako habang kinakausap ko siya. “Ano bang nangyari? Share mo naman” wala naman akong magawa pero gustong gusto ko rin ikwento sa kanya ang nangyari kagabi “Si Daniel, niyayaya ako sa sabado. Mag dedate kami!” aba at mas natuwa pa siya sa akin. Halos mahulog hulog na ako sa upuan sa sobrang kilig niya. “OMG Trish! Ipush mo na yan! Masayang Masaya ako para sa iyo!” halata nga, mas Masaya pa siya kaysa sa akin. “Ano ka ba? Kalma lang, hindi pa rin ako nag eexpect. Go with the flow lang ako”
Hindi na ako makapaghintay, gustong gusto ko na mag sabado. Perfect scores ako ngayong araw na ito at tuwang tuwa ang titser namin sa akin. “Improving Ms. Trish” yan ang sabi niya sa akin.
***
Madalas na kami nagpapalitan ng text ni Daniel, halos araw araw, mag katext na kami. Sa umaga, goodmorning text, sa gabi goodnight text at kapag papasok ako, sasabihin ko sa kanya na nakapasok na ako. At kapag nakauwi na ako, sasabihin ko din sa kanya na nakauwi na ako. Para na talaga kaming mag – on ngayong linggong ito. Dati, hindi ako nag uunlimited text dahil wala naman ako itetext, pero ngayon? Lagi na ako unlimited. Pasalamat ako TM ako kaya tipid. Unlimited text for 5 days. Sulit na sulit ang pag uusap namin ni Daniel. Madalas na napag uusapan namin ay tungkol sa mga buhay buhay namin kasama na din ang tungkol sa istorya ko. Pinapakita ko sa kanya ang mga nagawa ko nang kabanata sa pamamagitan ng pagsend ko sa email niya. Ayoko pa kasi talaga ilimbag sa wattpad ang gawa ko, hangga’t hindi pa tapos. Pero malapit nang matapos.
Bata pa lamang si Daniel nang iwanan sila ng tatay nila, dahil meron nang sariling pamilya. Gayunpaman, silang dalawa na lang ng mama niya ang nagtutulungan para mabuhay. Doktor ang nanay ni Daniel kaya nakakaangat din ang buhay nila kahit na papaano. Gaya ko, nag iisang anak lang si Daniel pero kailanman, hindi niya inisip na malungkot maging isang anak. Dahil sa panahon ngayon, nagpapasalamat siya na nag iisa lang siya dahil sa hirap ng buhay sa bansa. Sadyang awtor talaga ang kausap ko.
Sinabi ko din naman sa kanya ang buhay ko, na nag iisang anak lang ako pero kumpleto kami. Yun nga lang, hindi ako masyadong malapit sa papa ko. Dahil bata pa lang ako, nag tatrabaho na siya sa ibang bansa, kaya konting panahon lang ang naibibigay niya sa akin.
Madami din kaming pagkakapareho sa mga hilig hilig namin. Lalo na sa music, paborito din pala niya si Taylor Swift. Die hard fan lang ako ni Taylor Swift at halos magpakamatay na ako nang hindi ako nakapunta sa concert niya. Ang mahal daw kasi sabi ni mama. Hindi naman ako nakipagtalo, naintindihan ko naman siya.
Sa lagi namin pag uusap, kilalang kilala na namin ang isa’t isa. Ngunit wala pa din tatalo sa personalang usapan.
Sabado na, eto na ang pinakahinihintay kong araw na makakasama kong muli si Daniel. Ibang level na ito.

BINABASA MO ANG
My Mr. Wattpad (FINISHED)
Fiksi RemajaNgayon lang nalaman ni Trish na pwede ka palang makilala kapag gumawa ka ng sarili mong istorya sa Wattpad. Hindi talaga niya hilig ang magbasa ng mga libro at magsulat. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya sa personal ang awtor ng isa sa bes...