Iziah's POV
"Ang aga aga nakabusangot yang mukha mo ija? Bakit may problema ba?" Nag aalalang tanong ni nanay. Kahit badtrip na badtrip ako ay hindi ko nalang ipinahalata sa kanya.
"Ayos lang po ako." Sabi ko nalang.
"Ganun ba? Kung gayon maiwan na kita dito ha? May aasikasuhin pa ako sa kwarto." Paalam niya at tuluyan ng umalis.
Nang matiyak kong wala na si nanay ay mabilis kong hinampas yung kamay ko sa lamesa sa sobrang inis. Hanggang ngayon kasi ay di ko parin makalimutan yung nangyari kahapon.
FLASHBACK
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko ng makitang hinalikan ni maldita si sunget. Nung time na yun halos gusto ko ng ihampas sa lamesa yung pagmumuha nung babaeng yun. Mabuti nalang at umalis ako kung hindi baka di ko napigilan sarili ko.
"Oh? Anong ginagawa mo diyan Iziah?" Bungad na tanong sakin ni Alexis. Nakilala ko siya kanina lang.
"Ahm, tutulong sana ako sa inyo." Palusot ko nalang. Nakita kong napangiti ito.
"Ahh. Tara samahan mo kami sa kusina." Yaya nito habang nakangiti. Ngumiti nalang ako ng pilit.
Hila-hila niya ako papasok ng kusina at nabungaran ko silang lahat na nagseserve na ng mga kakainin.
"Mukang wala na tayong matutulong." Ntatawang turan ni Alexis.
"Anong ginagawa nyo dito Alex?" Tanong ni Lyca sa kanya.
"Tutulong sana kami kaso mukang tapos na kayo." alexis.
"Ganon ba? Tulungan nyo nalang kaming iserve to sa sala." Utos nito. Kinuha ko nalang yung mga plato at sabay sabay naming dinala ang mga iyon sa sala.
Pagkadating namin dun ay nabungaran ko ang dalawang naglalandian. Biglang sumama lalo yung timpla ko. Hindi nalang ako nagpahalata.
Maya maya lang ay nagsiupuan na silang lahat. Sa minalas malas nga naman at nakaharap ko pa ang dalawa. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
"Maglalandian nalang ba kau dyan? oras to para kumain kaya magtigil kayo dyan." Narinig kong sita ni Amanda. Napatgil naman sila sa paglalandian. Nakita ko pang sinamaan ng tingin ni maldita si Amanda.
Kanina pa akong tahimik na nakikinig sa kanila hanggang sa bigla silang napatingin sakin.
"Bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?" Nagtatakang tanong ni Samantha sakin. Ngumiti lng ako.
"Busog pa ako e." Pagdadahilan ko nalang kahit ang totoo ay kumukulo na yung sikmura ko.
"Kanina lang gutom ka ah. May problema ba?" muling tanong nito. Ngayon ay lahat na sila nakatingin sakin. Ngumiti nalang ako at tumango. Maya maya lang ay napansin kong nag smirk si maldita sakin at bigla niyang ninakawan ng halik sa pisnge si Sungit. Dahil don ay mabilis kong isinubo yung kanin sa kutsara ko.
BINABASA MO ANG
♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)
Action"How matter I try to forget you... Still, I can't.. because you're stuck here in my heart. I'm still hoping for you to comeback." - Xavier Here's the Book 2 of ♚Im The Childish Yakuza Princess♚ Hope you like it (*^__^*) -White_Beast-