Author's POV
Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mangyaring pagsabog na naganap sa mansion ng mga Yamazaki . Nananatili paring palaisipan ang pagkawala ng isa sa mga kambal ngunit nagulat ang mga tao ng malaman na may kambal pa pala ang mag asawang Yamazaki.
Parang isang normal na araw lang ito para sa lahat ngunit para sa kanilang mga nawalan ng minamahal ay halos daig pa nilang namatay. Tahimik na nagdadalamhati ang lahat sa pagkasawi ni Akane ngunit sa parte niya ay halos ikamatay na.
Wala sa sariling nakatulala lang sa itaas ng ceiling ng class room nila si Xavier habang kasama ang mga ka Gang niya at iba pa. Alam nilang masyado talaga itong nasaktan sa pangyayari. Hawak hawak lang nito ang sing-sing na nakasabit sa kwintas. Ito ang ibinigay sa kanya noo ni Akane. Ito ang sinabi niyang simbolo ng pangako niya. Lihim siyang nagdamdam sa dalaga. Hindi nito tinupad ang pangako niya.
"Xavier, punta na tayo sa gym. Kanina pa sila naghihintay." pukaw na turan ni Dylan kay Xavier. Napalingon lang ito dito tsaka malungkot na tumango. Ngayong araw na ito gaganapin ang pagrerecruit ng bagong myembro ng Gang nila. Dahil wala na si Akane ay kailangan may pumalit dito.
Nagtungo ang lahat sa loob gym. Marami na ring mga estudyante ang naroroon upang sumali sa Gang nilang Night Raid. Biglang pumasok sa isip nila ang araw ng nag rerecruit sila ng myembro sa Gang at nataon na sumali dito si Akane. Lihim nalang silang napapangiti habang inaalala ang panahon na iyon.
***
Xavier's POV
Lahat kami ay umakyat sa ring na pinatayo ko sa Gym. Wala ako sa mood para sa gagawing pagrerecruit sa araw na ito. Sumasama lang ang pakiramdam ko. Marami na ring estudyante ang nandidito ay mukhang lahat sila excited.
Hindi ko sana gagawin ang bagay na ito kung hindi lang pinagsabihan kami ng Official ng U.C na kailangan n daw naming magdagdag ng bagong myembro dahil i baban daw nila kami kapag kulang. Kung pupwede lang magprotesta ay ginawa ko na.
"Xavier, Umpisahan mo na. Naiinip na yung mga tao dito." Bulong na sabi sakin nila Amanda. Nag iba lang ako ng tingin. Nakakainis talaga.
"The rules is same as before. Kung sino ang gustong lumaban sakin itaas nyo na lang kamay niyo." walang ganang sabi. Naghintay kami ng ilang sandali ngunit walang gustong mag taas ng kamay. Bigla akong nabwesit.
"Wala yatang gustong lumaban sayo? Bakit kasi yung pa napili mong rules?" Nagtatakang tanong ni Sam.
"Ako!" Natigilan kami at napatingin sa taong nag taas ng kamay. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko ito makita. Natatakpan kasi siya ng mga nakaharang estudyante at nasa pinakadulo siya.
Natahimik kami ng biglang nag give way ang mga tao. Natigilan kaming lahat.
"Ang daya nyo! Bakit di nyo ako hinintay." Nakapout na sabi nito. Bigla akong napangiti ng malawak at patakbong nilapitan siya tsaka dinamba ng yakap.
"Your late." kunyaring nagtatampong sabi ko. Narinig ko siyang tumawa maya maya lang ay nagulat ako ng ibalibag niya ako. Narinig kong nagtawanan sila Grayson.
"Hahahahha! Your so slow Hottie ko!" Mapang asar niyang sabi habang patakbong tinungo ang grupo ng Gang at iba pa. Nakangiting tumayo ako tsaka hinabol siya.
***
Akane's POV
Im still alive! Of course naman yes! Ako bida dito! Ngunit masakit parin sakin ang nangyari. Hindi ko nagawang makasama ang taong nagligtas sakin.... Si Izack.
Flashback
"Samahan mo akong pumunta ng impyerno. Paalam sayo."
*BAAAAAAAAAAAAAAANG*
Napapikit nalang ako ng mga sandaling iyon.. Ngunit natigilan akong ng wala akong naramdamang tumamang bala sakin. Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong nakabulagta si Shin dahil binaril ito ni Izack. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang lumapit sakin ngunit wala akong naramdamang kahit anong galit mula sa aura niya.
Natigilan pa akong bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at biglang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Patawarin mo ako. Alam ko na ang lahat. Sana mapatawad mo ako sa mga nasabi ko sa iyo noon. Kahit hindi Iziah ang pangalan mo, lagi mong tatandaan na ikaw ang lang Iziah na minahal ko at pinretektahan." Malungkot nitong saad. Napailing ako ng sunod sunod.
"Hindi ka dapat humingi ng patawad dahil wala kang kasalanan. Ako rin ang dapat humingi ng salamat sa iyo at sa pamilya mo. Kayo ang dahilan kung bakit nandito pa ako at buhay. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo Izack, Hinding hindi kita makakalimutan." Naiiyak kong sabi. Maya mya lang ay kumawala ako sa pagkakayakap niya. Ngunit natigilan ako ng bigla nalang itong naout of balance. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Nagulat nalang ako ng may makitang dugo na umaagos sa likuran niya. Nanlalaking matang nilingon ko siya ngunit ngumiti lang siya.
"Umalis ka na sa lugar na ito bago mahuli ang lahat. Mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak ka. Ipangako mo sa akin na mabubuhay ka, Iziah." Nanghihina nitong sambit. Kahit na ayaw ko siyang iwan ay tumango lang ako. Habang tumatakbo ako paalis ay patuloy ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Hindi ko rin alintana ang nanghihina kong katawan. Hanggang sa biglang may sumabog na napakalakas. Nang araw na iyon ay pinangako ko sa sarili ko na mabubuhay hanggang sa tuluyan na lang akong nawalan ng malay.
End Of the Flashback
"Ngayon magkakasama na tayo at wala ng mangiiwan." Nakangiting turan ni Hottie ko. Napangiti naman ako habang sumang ayon.
"Waaaah! Namiss kita!" biglang naiusal ko. Nagulat nalang ako ng bigla akong halikan nito. Pakiramdam ko ay sobrang pula ko na. bigla itong natawa sa reaction ko. Nang bigla itong nag seryoso ay nagkatitigan kami. Saktong mahahalikan niya na ako ng biglang may humarang na kamay sa pagitan namin.
"Wag nga kayong maglandian dito! Dun kayo sa kwarto!" Naiiling na turan ni Amanda kasama ang iba. Nakita naming nakangisi ang mga ito.
"Istorbo naman kayo eh~" Nagmamaktol na sabi ko abang na kapout. Nagkatawanan lang ang lahat.
"The childish is back!" Natatawang turan nila. Natawa na lang ako.
Ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag. Totoo nga siguro talaga na sa kabila ng paghihirap ay may sarap. Wala na akong poproblemahin ngayon bukod sa paimlya ko, kaibigan ko at lalo ng ng mahal ko.
Sa tagal na nilagi ko dito sa mundo ngayon ko lang nalaman ang pinakamahalaga sa buhay ng tao, Yun ay ang pahalagahan ang mga taong mahal mo sa buhay. Yun ang natutunan ko. Kahit na tapos na ang lahat ng gulo ay sisiguraduhin ko parin ang kaligtasan nila. Buo na rin ang desisyon ko na ipagpatuloy ang titulo na hawak ko. Ang pagiging Yakuza Princess, Gangster at Akane ng lahat.
Sa buhay ay marami talagang pagsubok ang madadanasan mo. Nandito ang hirap at sakripisyo pero nandito naman ang tagumpay sa bandang dulo. Hindi rin porket malakas ka ay makakaya mo na ang lahat, natutunan ko na kahit ang mahina ay magagawa ring manalo. Ang aral na natutunan ko sa mga nangyari sa buhay ko ay huwag sumuko sa mga pagsubok at patuloy parin ang lumaban upang sa bandang huli ay ang tagumpay na makakamit ko. Yan ang nakamit ko ngayon sa tagumpay na pinaghirapan ko.... Ang tagumpay kung saan nagbalik ang isip batang ako...
END
BINABASA MO ANG
♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)
Acción"How matter I try to forget you... Still, I can't.. because you're stuck here in my heart. I'm still hoping for you to comeback." - Xavier Here's the Book 2 of ♚Im The Childish Yakuza Princess♚ Hope you like it (*^__^*) -White_Beast-