♚Childish♚: 17

16.2K 435 6
                                    

2 DAYS LATER

*GYM*

Iziah's POV

Nakaupo lang ako sa isang sulok habang nakikinig sa teacher namin. Nakatulala lang ako habang nag iisip. Inaalala ko pa rin yung nangyari sakin nung sabado. Hanggang ngayon ay wala parin ako sa sarili.

Mabuti nalang din at hindi ako pinilit ni Izack sa kakatanong kung anong nangyari sakin.

"Iziah."

"IZIAH!"

"AYBUTIKI! Bat kaba nanggugulat!?" inis kong sabi kay sunget. Nakita kong tumaas yung kilay niya.

"Anong nanggugulat? Ikaw nga tong kanina pa tinatawag." sabi niya. Hindi nalang ako umimik dahil tama naman siya.

"Bakit kaba nakatulala dyan, muka kang tanga." Nagtatakang tanong niya tsaka umupo sa tabi ko.

"Wow ha! Natanga pa ako? Pake mo ba?!" Sarkastikong sabi ko.

"Syempre may pake ako. Kung tutunga ka lang dyan wala akong magagawa sa performance, dahil dun bababa grades ko." Mahabang litanya niya.

"Kaya kung ako sayo diyan tatayo na ako." Utos niya. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Bigla syang ngumisi na lalong kinainis ko.

"Yan! susunod ka rin pala." Nakangising sabi niya. Inirapan ko lang sya.

"OKAY CLASS! YOU CAN START YOUR PRACTICE NOW!" ma'am. Paano naman kami makakapagumpisa kung kulang kami ng isa -_-

Nanonood lang kami sa iba naming kaklase na nagkakanya kanyang usap tungkol sa gagawin nilang performance project. Samantalang kami ay wala paring ginagawa. Napabuntong hininga nalang ako. Nasan na kaya si Izack. kainis naman yung taong yun.

Napandin kong biglang tumayo si sunget. Napatayo rin ako bigla. Wala namang nakakapansin sa amin kaya okay lang.

"Huy! Saan ka naman pupunta!?" Pahabol kong tanong sa kanya. Hindi siya umimik at nagpatuloy lng sa paglalakad. Maya maya lang ay napansin kong nasa parking lot na kami ng school. Nakita ko syang sumakay sa kotse niya. Binuksan ko yung pinto ng shotgun seat tsaka umupo agad ako ng makasakay.

"What are you doing here?" nakakunoy noong tanong niya. tiningnan ko lang sya tsaka inayos ang salamin ko. Ngumit ako ng nakakaloko at kinabit ang seat belt ko tsaka umayos ng upo.

"Sasama ako sayo, anu pa ba?" Nakangiting sabi ko. Biglang nagsalubong yung kilay niya.

"Seriously?" Di makapaniwalang sabi niya. ngumiti ulit ako tsaka tumango. Napailing nalng siya at ilang saglit lang ay napalitan iyon ng ngisi. Bigla akong natigilan. Huli na rin ang lahat para makaalis ako. Naramdaman kong may binabalak ang sunget nato. Mabilis nyang pinaandar yung sasakyan.

***

Xavier's POV

napatingin ako sa gawi ni nerd. Nakatingin ito sa labas ng bintana ng kotse ko. Mukhang feel na feel niya. Napapahanga talaga ako ng babaebg to. Biruin mo napakalakas ng loob na sumakay sa kotse ng may kotse. Panu kung masamang tao pala ako, edi na rape sya?? Napapailing nalang ako sa naisip. Kala mo napaka inosente kung titingnan pero may pagka demonyo rin palang tinatago ang babaeng to. Ibang klase talaga. Minsan naiisip ko tuloy na baka niloloko lang ako ng babaeng to. Na baka mamaya nagdidisguise lang to para makalapit sakin. Pero malabo rin yun. E lampa kaya to!

♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon