Dweyn's POV
Nasa Clinic kami ngayon ng dalhin namin yung babae dito. Sinalpak ko lang yung headset ko habang nakadikwatrong nakaupo sa sofa ng clinic.
Kung hinihintay nyong magpapakilala ako pwes wag na kayong umasa. Hindi ko hilig ang magpakilala -____-
"Nasan na si Shizuka?" Narinig kong tanong ni Zach.
"Hayaan mo na muna yun. Baka mamaya kumakain lang kung saan." Bale walang sabi ni Reina.
Nabaling yung tingin ko sa babae kanina. Hanggang ngayon punit punit parin yung damit niya. Napakunot yung noo ko ng titigan ko ng maigi yung mukha niya. Parang pamilyar ang itsura niya ngunit napailing nalang ako.
Imposible namang sya yun. Hindi nagsusuot ng ganun yun. Tsaka muka namang lampa to.
"May pumapagibig na dito oh~" nang aasar na sabi ni Renzo habang nakatingin sakin. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Loko! Si--" napatigil sa pagsasalita si Zach ng tingnan ko ito ng masama.
"Shut up or i'll gonna cut your heads off." Malamig kong sabi. Nagsitahimik nalang sila at kunyaring may kanya kanyang ginagawa.
Maya maya ay napatingin ulit ako sa babae. Napansin kong nakakunot yung noo nito habang nakapikit. Nilapitan ko siya at pinagmasdan maigi ang mukha niya. Natigilan nalang ako ng marinig siyang umuungol.
***
Iziah's POV
Hababang naglalakad ako sa madilim na sulok ay may biglang liwanag akong nakita. Dahil sa pagtataka ay nilapitan ko iyon hanggang sa nilamon ako nito.
Natigilan nalang ako ng may nakita akong isang babaeng nakasuot ng itim na damit at nakasuot na maskara. May hawak itong patalim.
Nagulat ako ng saksakin nito ang isang lalaki na hindi pamikyar sakin. Maya maya lang ay natigilan ako ng bigla itong humarap sakin. Bigla akong napaupo sa takot na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)
Action"How matter I try to forget you... Still, I can't.. because you're stuck here in my heart. I'm still hoping for you to comeback." - Xavier Here's the Book 2 of ♚Im The Childish Yakuza Princess♚ Hope you like it (*^__^*) -White_Beast-