(Akira and Owy)
Matapos madissmiss ang klase nila Akira ay naisipan niyang magpahangin. Mabilis niyang tinungo ang sariling kotse tsaka pinatakbo papunta sa lugar na madalas niyang pagluran simula pagkabata. Nang marating niya ang lugar na iyon ay may nakita siyang lalaking magisang nakaupo sa swing. Nang marealize niyang si Owy iyon ay dahan dahan niya itong nilapitan. Sa kabilang banda ay mag isang nagtungo si Owy sa parke. Nakaramdam siya ng pagkabagot kaya naisipan niyang bisitahin ang lugar na madalas niyang puntahan noon. Ngunit laking gulat niya ng biglang gumalaw ang swing ng pagkalakas-lakas at nahulog siya dito.
"Ahahaha! Ang lampa mo naman!" Natatawang turan ni Akira sa kababatang si Owy. Nanlalaking matang nilingon niya ang dalaga. Nagulat siya sa nakita.
"Bakit ganiyan ang reaction mo? Para kang nakakita ng multo?" Nagtatakang tanong ni Akira. Sa pagkabigla ay natulala ito ng bigla siyang yakapin ni Owy.
"H-hoy! A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" natarantang sabi nito. Ngunit imbis na sagutin siya ni Owy ay may lalo nitong hinigpitan ang yakap.
"I miss you." Mahinang bulong ni Owy sa tenga ni Akira. Sa pagkabigla ng dalaga ay hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan.
"Jowk lang. Mwehehe~" pagkarinig nun ni Akira ay bigla siyang nabuhusan ng malamig na yelo at nag umpisang kumulo ang dugo. Maya maya lang bigla nitong sinipa ang kababata. Napadaing sa sakit si Owy.
"Bwesit ka! Papatayin kitang Bakulaw ka!" Nanggagalaiting turan ni Akira habang hinahabol ang kababata. Tawa lang ito ng tawa.
"Demonya! Wag mo akong saktan! Hahahaha, Easy ka lang!" Natatawang turan ni Owy habang tumatakbo palayo.
"Ulol! Papatayin kitaaa!!"
(Aisaka and Shiro)
"Ang aga mo naman umuwi? Tara kain tayo." Masiglang yaya ni Shiro sa kasintahan.
"Saan?" Takang tanong naman ni Aisaka. Ngunit hindi ito nagsalita at ngumiti lang sa dalaga.
Dinala ni Shiro si Aisaka sa puntod ng kaniyang mga magulang. Napakunot ang noo ni Aisaka.
"Dito ba tayo kakain?" Takang tanong nito. Ngumiti si Shiro tsaka sumagot.
"Oo. Alam mo ba kung bakit dito tayo kakain?" Nakangiting tanong nito sa Dalaga. Napakunot ang noo ni Aisaka.
"B-bakit?" Nauutal niyang tanong. Biglang tumingin sa puntod si Shiro tsaka ngumiti.
"Kasi ganon kita kamahal. Kahit na wala ang mga magulang ko hihingin ko parin ang sang ayon nila para sa atin.... Aisaka, P-payag kabang....M-magpakasal sa akin?" Kinakabang tanong nito. Saglit na natigilan si Aisaka sa sinabi ng binata. May luhang tumulo sa mata niya. Matamis siyang ngumiti dito tsaka tumayo at tumingin din sa puntod ng mga magulang ni Shiro.
BINABASA MO ANG
♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)
Action"How matter I try to forget you... Still, I can't.. because you're stuck here in my heart. I'm still hoping for you to comeback." - Xavier Here's the Book 2 of ♚Im The Childish Yakuza Princess♚ Hope you like it (*^__^*) -White_Beast-