♚Childish♚: 8

18.6K 473 8
                                    

Third Person's POV

Magkasamang pumasok sila Iziah at Izack sa eskwelahan na pagmamay-ari ng lalaking kinaiinisan ni Iziah.

Nilingon ni Izack si Iziah na kasalukuyang nasa tabi niya.

"Sigurado kabang kaya mo nang pumasok?" Nag aalalang tanong ni Izack kay Iziah. Biglang napatingin sa kanya si Iziah at ngumiti.

"Oo nga. Kulit mo rin e." Tugon ni Iziah at tsaka nauna ng maglakad.

"Hoy! Hintayin mo ako Iziah!" Pasigaw na sabi ni Izack habang pahabol na sinundan ang dalaga.

Nang makarating sila sa tapat ng pintuan ng kanilang klase ay parehas silang nagkatinginan.

"Magkita nalang tayo sa canteen dito mamayang break time a." Sabi ni Izack. Tumango nalang si Iziah bilang tugon. Bago tuluyang iwan ni Izack si Iziah ay Tinap muna nito ang ulo ni Iziah tsaka umalis.

Nang tuluyang naiwan si Iziah magisa sa tapat ng pintuan ng klase niya ay nag atubili pa siyang kumatok ng pinto tsaka pumasok.

Nabungaran niya ang kanilang guro na napahinto sa pagtuturo at napatuon ang tingin sa kanya maging ang kaniyang mga kaklase. Bigla siyang yumuko at nahihiyang ngumiti sa guro.

"Ikaw ba yung new student dito??" Tanong ng guro kay Iziah habang ibinaba ang hawak nitong libro. Tumango lng si Iziah.

Nung una ay marami ang nag bulungan sa kaniyang mga kaklase.

"Introduce yourself in front." Utos ng guro. Mabilis na sinunod iyon ni Iziah. Pagkalapit niya sa harapan ay mabilis niyang tiningnan ang mga kaklase.

May nahagip siyang pamilyar na mga tao ngunit isapinawalang bahala niya lang ito.

"Ako nga pala si Iziah Salazar." Nahihiyang sabi niya tsaka yumuko. Biglang napatawa yung mga kaklase niya at nag umpisa na ang mga bulung bulungan.

"Class! Quiet!" awat ng kanilang guro ngunit parang walang narinig ang mga ito.

Nakaramdam si Iziah ng hindi pagkagusto sa kanyang nararamdaman. Isang pamilyar na pangyayari ngunit hindi niya alam kung totoo bang nangyari.

Napailing nalang siya at dire-diretsong naglakad papunta sa kanyang upuan na nakita sa bandang likuran. Ngunit bigla nalang siyang natumba dahil may kung sino ang pumatid sa kanya. Dahil doon ay nagsimula ulit ang malakas na tawanan.

***

Iziah's POV

"HAHAHAAHAHAHAHAHAH!"

"OH MY GOSH, LOOK AT HER."

"Tatanga tanga kasi. Hahaaha."

Mabilis siyang tumayo at isiniwalang bahala lamang ang kanyang mga naririnig. Naramdaman niyang kumirot ang tuhod niya ng matumba siya.

Hay naku. Sugat na naman to panigurado... panigurado ding dadakdakan na naman ako ni Izack.

Pagkaupo ko sa upuan ay mabilis ko agad tiningnan yung tuhod ko. Tama nga ang hinala ko. Tsk!  ̄︿ ̄

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay ma'am na nagtuturo sa harapan. Habang nakikinig ay naramdan ko nalang na may parang nakatingin sa akin. Dahil sa naisip ay biglang nagsitayuan ang mga buhok ko sa braso.

♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon