♚Childish♚: 23

16.2K 395 99
                                    

A.N: yung chapter na po to ay tungkol sa nangyari na matapos yung 1 linggo. Kung naguguluhan po kayo itanong nyo nalang po sakin so i can explain xD

Yun lang po... enjoy reading :D

***

Xavier's POV

She's really here..... buhay siya ngayon at kasama namin siya. Lahat sila ay masayang nakikipag kwentuhan sa kanya. Maski ako ay nakaramdam ng kakaibang saya sa nalaman. Sobrang saya ko kaya.

Habang kumakain siya ay todo parin ang daldal niya. Wala paring pinagbo. Napatigil lang ito saglit sa pagsasalita at tumingin sakin habang nakangiti. Bigla akong napangiti.

"Akane!! Anu ba talagang nangyari sayo!? Bakit ngayon ka lang nagpakita??" Nagtatampong sabi ng mga babae. Nakita ko itong tumigil sa pagkain at saglit na napaisip.

"Ang totoo niyan hindi ko rin alam. Nawala ang alaala ko sa nangyaring aksidente. Nung nakaraang linggo bumalik ang alaala ko. Natatandan nyo ba nung sa U.C?? Nandun ako nagpunta ng makaalala na ako." Masayang masayang pagpapaliwaanag nito.

"A-ang b-buong a-akala namin ay w-wala kana..." naiiyak na turan ni Amanda.

"Patawarin mo kami Akane, kung hindi ka namin nun pinagkatiwalaan. S-sorry." Nakayuko ring sabi nila Lyca. Nakita kong tumayo si Akane at niyakap sila.

"Shhh. Tapos na iyon. Ligtas na ako. Wala ng dapat na ipagalala okay. Isa pa kalimutan nyo na iyon. Hahaha!" Nakangiting sabi nito habang inaalo ang nga babae.

Napangiti nalang ako. Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidente sa school. Wala kaming lead kung sino ang may pakana ng pagsabog.

Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang paggawa sa mga nasirang pinsala ng pagsabog ngunit nagkakaroon narin naman iyon ng pagbabago kahit papaano.

Napansin ko rin na simula ng dumating si Akane ay nanumbalik ang sigla ng buong school. Ngunit napansin ko na simula nung nangyari yung aksidente ay hindi na pumapasok si Iziah. Nagtataka nga ako kung bakit. Mayroon ding nakapagsabi sa akin na may nakakita raw kay Iziah na sya daw ang dahilan ng kaguluhan. Ayokong maniwala ngunit pinagtataka ko ang biglaan niyang pagkawala.

Natigilan lang ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. Pagkatingin ko si Akane pala.

"Bakit mahal ko?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakita ko syang nag blush at ngumiti.

♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon