♚S.C.Part: 1♚ Akane and Akame

13.6K 320 6
                                    

Akane's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng may biglang humawak ng ilong ko. Pagbangon ko ay saktong tumama ang ulo ko dito.

"Aray/Aw!" Sabay naming daing ng mauntog kami sa isat isa. Nang makabawi ako ay nakita ko si Akame na naka indian seat sa sahig habang nakangiti sakin. Napaatras ako kaunti.

"Bakit kaba nanghahawak ng ilong? Inggit kaba dahil mas matangos ang ilong ko kaysa sayo!?" Nakataas kilay na asar ko sa kanya. Nakita ko rin siyang nagtaas ng kilay. Parehas lang kami ng ginawa.

"Woah! Asa ka naman. Parehas lang tayo ng ilong. Baka nakakalimutan mo na kambal tayo?" Sabi naman niya habang nakangisi. Sumimangot lang ako. Maya maya lang ay nagulat ako ng binato niya ako ng unan sa mukha.

"Wahaahahahahaha! Ampanget mo!" Tumatawang turan nito habang humahampas pa sa hita niya. Nag init ang ulo ko kaya mabilis kong kinuha yung unan na binato niya sa akin tsaka binato sa mukha niya. Ako naman ang tumawa ng malakas. Bigla niya akong tinalunan sa kama at kiniliti. Nasa ganung sitwasyon kami ng abutan kami nila Aki kasama sila Ate Aisaka at Akihiro.

"Ang saya niyo ah? Baka malate kayo sa school!" Biglang sigaw sa amin ni Aki. Parehas kaming napatigil at nanlaki ang mata ng marealize ang nangyayari. Sabay kaming tumakbo papasok ng banyo. Nagtulukan pa kami kung sino ang mauuna.

"A-ano ba Akame! Ako ang nauna!" turan ko habang tinutulak siya paalis ng pinto. Kumapit lang siya sa pader habang tumatawa.

"H-hindi! Ako ang nauna! Wag kana maligo!" Turan naman nito. Napakunot ang noo ko.

"Akin tong kwarto kaya ako ang mauuna!" Sabi ko pa. Ngunit ayaw nitong mag paawat.

"Ano naman! Bago ako kay--" hindi nito naituloy ang sasabihin dahil parehas kaming tinulak ni Ate Aisaka papasok sa banyo. Parehas kaming nasubsob sa sahig.

"Hay naku! Kailan ba kayo magkakasundo? Late na kayo. Mauna na kami."  Naiiling na sabi nito. Bigla kaming naalerto ng umalis ito. Parehas kaming nagmadaling maligo.

***

Pagkadating namin sa eskwelahan ay patakbo naming tinungo ang room. Ngunit nagulat ako ng bigla akong sinipa ni Akame sa likod. Dahil doon ay tumilapon ako papasok ng classroom namin. Natigilan ang lahat at napatingin sakin. Sakong pumasok si Akame at tinayo ako.

"A-adik ka..." Nairitang sabi ko kay Akame habang nakahawak sa likuran kong sinipa niya. Kumindat lang ito sa akin tsaka hinila ako papunta sa upuan namin. Ngunit dahil sa kalokohan nito ay tinulak ako nito papunta sa direksyon ni Hottie ko. Nanlaki ang mata ko ng maglapat ang labi namin. Naghiyawan ang tao sa loob kasama ang mga Night Raid pati ang Deadly Chix. Bigla akong umatras at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Nice one sis!" Natatawang turan ni Akame habang naka thumbs up.

Matapos ang aksidenteng yun ay maagang na dissmissed ang klase namin dahil daw ay magsusummer vacation na. Napabuntong hininga lang ako. Sa susunod na araw ay magkakaroon kami ng outing lahat. Lahat ay excited doon at naghahanda na. Lalo na tong kasama ko -_-

***

Akame's POV

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Akane papasok ng isang Mall. Hinila ko siya doon kanina ng magdissmissed ng klase. Napansin ko ang nakabusangot na mukha nito.

"Wag ka sumimangot. Pumapanget rin ako!" Natatawang suway ko dito. Napatingin siya sakin habang nakataas ang kilay.

"Edi okay." Bigla niyang sabi. Napatawa lang ako. Napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga tao. Hahaha, ngayon lang siguro nakakita ng magandang kambal ^O^

Napahinto ako ng may nakita akong crane game. Omo! Nakita ko yung kambal ng panda ko! Kyaaa!

Lumingon ako ka Akane. Nakita kong nakataas ang kilay niya. Nag pout lang. Maya maya lang ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Fine! Oo na. Gets ko!" Walang nagawang sabi nito.

" Waaaah! Hontōni! ?"( really) Tuwang tuwang turan ko dito habang nangingislap ang mata.

" Hai. Damare. Shūchū Imu." (yes. shut up. im concentrating.) bored na turan nito. Ang laki ng ngiti ko habang pinapanood siyang maglaro sa crane game.

"Panda! Yung panda!" sabi ko sa kanya habang nakasilip sa salamin. Nakita ko ang pagbaba ng hook at ang pagkuha nito sa panda. Pikit matang nagdasal ako hanggang sa may malambot na bagay ang dumikit sa mukha ko. Pagkadilat ko ay nakita ko ang panda na pinapangarap ko.

.
"Waaaah! Thank you sis!" Tili ko habang niyakap siya. Ngumit lang din ito.

Matapos nun ay naiisipan naming kumain sa isang ice cream parlor. Parehas naming paborito ang ice cream kaya nagnamadali naming tinungo ang counter. Natatawa pa ako sa reaction ng babae sa counter dahil sa parang isip batang pag order ni Akane. Matapos naming umorder ay dumiretso na agad kami sa lamesa.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. Tulad ng isang masayang magkapatid.

Dalawang linggo narin ang nakakaraan simula nung umuwi siya. Masaya ako at magkakasama na kaming lahat. Inaalala ko rin ang nalalapit kong kasal kay Dweyn. Wala lang sila ngayon dahil may inasikaso sila.   Sa ngayon ay ieenjoy lang muna naming dalawa ni Akane ang araw na ito.

***

Ito po yung part lang nila Akane at Akame! Sana po naenjoy niyo kahit unte :D

♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon