♚Childish♚: 19

15.7K 441 8
                                    

Someone's POV

"Hime-sama, naconfirmed na namin na totoong nagbalik ang Night Raid Reaper. Ito yung natagpuan naming maskara." Narinig kong sabi ni nyx habang inabot sakin yung maskara. kinuhan ko yung maskara at pinagmasdang maigi. Biglang may isang ideya ang pumasok sa isip ko.

"Where's wraith?" Tanong ko.

"Umuwi na." Sumandal nalang ako sa upuan ko.

Binaling ko yung tingin ko sa babaeng nakahiga. That girl.... she looks familiar.

"I have a plan." Bigla komg sabi tsaka tumayo sa kinauupuan ko. Tinuro ko yung babaeng nakahiga sa sofa ko. Kung hindi ako nagkakamali siya yung kasama ni Alpha.

I know that there's something with this girl... and i want to figure it out.

"I want you to invistigate this girl nyx. I need the detail as soon as possible."

"And take this out to my place." Pagkasabi ko nuj ay umalis na ako.

I need to prepare myself... malapit na ang tamang oras para bumalik ako. Just wait my comeback...

***

Izack's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Tahimik ang bahay ngayon dahil umalis sila mama at papa.
Si Iziah naman... teka si Iziah??!

Mabilis akong tumayo sa kama ko at mabilis na tinungo yung kwarto niya. Kumatok ako ng ilang beses ngunit wala paring nagbubukas ng kwarto niya. Sinubukan kong buksan yung pinto. Nagulat ako ng biglang bumukas yun.

Pagkapasok ko ay wala akong nakita ni anino niya. San naman nagpunta yun.

Bigla akong kinabahan. Bakit simula nung pumasok siya sa skwelahan na yun ay nangyayari na ang bagau nato. Nagkamali ba ako ng desisyon na isama syang pumasok dun. Anung silbi ng pagsali ko sa gang kung hindi ko sya kayang protektahan. Nakakainis!

Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis. Matapos kong magbihis ay umalis ako ng bahay para hanapin si Iziah.

Baka hindi pa siya nakakauwi galing sa school. Pero napaka imposible naman nun. Dapat nakauwi na sya ng bahay kanina pa.

Nagpara nalang ako ng jeep tsaka sumakay. Subukan ko nalang. Baka nandun pa sya.

***

Pumara agad ako tsaka bumaba sa jeep ng marating ko yung school. Mabilis ko agad tinungo yung room nila. Ngunit wala ng tao tulad ng inaasahan ko. Sa tingin ko nga ako nalang ang tao dito.

Napilitan akong umalis ng school. Habang naglalakad ako sa labasan ay may napansin akong nagkukumpulang tao. Napakunot pa yung noo ko.

Ano naman kaya ang nangyari dun??

Dahil sa kuryosidad ay nilapitan ko iyon. Tinabig ko pa yung ibang nakikiusyoso para lang makasingit. Nagulat ako ng makita yung babaeng nakatali sa puno.

Napamurang nilapitan ko iyon. Tinabig ko yung ibang lalaking lumapit dito.

Mabilis kong tinanggal yung lubid na nakatali sa kanya. Tinapik ko yung pisngi niya.

♚ITCYP2: The Childish Comeback ♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon