Naranasan mo na bang ma reject?
Anong feeling? Masakit di ba?
Ganyan din ang nararamdaman ng bida natin sa ngayon.
Siya si Thania Fernandez. Ang babaeng always rejected by everyone. Paano kung isang araw siya naman ang mang reject?Hindi lahat kasi ng story happy ending ;)
~○~
~○~
Hey guys! This is my 5th story ;) sorry kung ngayon lang ulit nakapag ingay. Busy kasi lalo na't malapit na ang bakasyon.
Sana po wag niyo muna husgahan ang story ko ;( basahin niyo po muna. Please? Jebal~ please vote and comment, kamsa :*
____________________________________
Brown eyes ♡
Isa ako sa mga babaeng laging na rereject . Bakit? Maayos naman ang itsura ko. Mabait naman ako. At higit sa lahat kapag magmahal ako ibinibigay kong lahat.
Bakit? Yun ba ang problema ko? Masama ba ang magmahal. Nagmahal lang naman ako ah. Bakit sila di ako kayang mahalin. May mali ba sa akin?
Ako si Thania Fernandez. Di ako nerd. Pero bakit ayaw nila sa akin? Di ako maldita. Pero bakit ganun sila makaiwas sa akin? Di rin masyadong mayaman. Kaya siguro ayaw nila sa akin. Di rin ako ganun kaganda para magustuhan nila.
Ilang lalaki na ang nagustuhan ko. Sa buong buhay ko lahat sila nirereject ako. Sa tuwing nagkakagusto kasi ako sa lalaki inaamin ko. Mali ba yun? Nagpapakatotoo lang naman ako sa sarili ko diba? Lahat sila. Tingin sa akin walang kwenta.
Lagi kong tinatanong ang sarili ko. Bakit pa ako nabuhay dito sa mundo kung wala naman sa akin ang may gusto na mabuhay pa ako. Kahit ang mga magulang ko ayaw sa akin. Ang dad ko wala andun sa malayo. Iniwan kami . Si mommy naman ayaw sa akin. Di ko alam kung bakit pero laging mainit ang ulo niya pagdating sa akin. Noon nga balak niya pa ako ilaglag noong nasa sinapupunan palang ako. Ang sakit diba? Hayst! Pero pinipilit ko pa ring maging matatag,
[ A/N: Sino po marunong gumawa ng cover? Please po. Pm niyo nalang ako. Sa mga interasado lang po :)) thankie :* ]
....
Thania's POV
As always papasok ako sa university ng mag isa. Walang kasama. Walang kaibigan. Diko alam kung bakit. Kumpleto naman ang katawan ko. Wala namang deperensya ang utak ko. Maayos naman ako. Pero bakit? Bakit sila ganun sa akin?
" aray " may nabunggo akong lalaki. Napatingin ako sa kanya. Napapatitig ako. Nakasalamin siya. Cute. Nakatungo siya. Di siya ganun ka gwapo para ma love at first sight ako sa kanya. Kaya umalis ako.
" miss di ka man lang ba mag sosorry? " sigaw ng lalaki. Pero ako naglakad pa rin.
" Wala akong panahon sayo kuya. Ikaw ang may kasalanan di ako. Kaya di ako ang dapat mag sorry " sigaw ko.
Tumakbo siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Pero iniwas ko ito. At naglakad ulit.
Ayokong tumingin sa kanya, dahil madali lang ako ma inlove. Ayoko nang magkagusto sa lalaki. Dahil sawang sawa na akong ma reject. Cute pa naman siya kaya may possibilities na magustuhan ko siya. Kaya umiiwas ako. Kaya magsusungit muna ako. Ako naman.
Hinabol pa rin ako nito. Nakatalikod lang ako sa kanya.
" miss, wala ka ba talagang ganang mag sorry sa akin? "
" kuya! Bat ba ang kulit mo. Di ka ba nakakaintindi? Di ako ang may kasalanan ikaw. Kaya pwede ba tantanan mo na ako. Tsaka pwede ba, bitawan mo ako. Ang sakit kaya. "
BINABASA MO ANG
Rejected [COMPLETED]
Teen FictionBakit kailangan pa nilang mamili ng taong gugustuhin? Hindi ba pwedeng kami nalang na nag tiya tiyagang silay mahalin?