C6: Childhood Friend

192 12 1
                                    

Thania.

Nagulat ako! Ano bang meron ha? Bat nag sisibalikan sila?

Bumaba siya sa kotse niya.

" Long time no see Noona. " kahit kailan talaga tong si matthew.

" sabi nang wag noona eh! Nagmumukha akong matanda. " sabay pout. Pinisil niya ang pisngi ko. Namula ako. Namula ako dahil pinisil siya ang pisngi ko dahil mahigpit kaya yung pag kakapisil niya! Wag kayo ano. Malesiya na naman.

" youre so cute pa rin pala noona. " gush nag blush ata ako dun. Oo aaminin ko this time kinilig na ako. Kasi naman eh, si matthew. Yang matthew na yan? Siya lang naman ang naging first crush ko. Hihi ^^ okey papakilala ko na nga lang siya.

Siya si Matthew Lopez. He is my First Crush and My First Rejection. My first heartbreak. Mag kababata kasi kami. Bestfriends ang mga magulang namin. Kaya lagi kami magkasama. Syempre ayun. Na fall ako sa kanya. Ano ba yan naalala ko tuloy yung araw na sinabi ko sa kanya na crush ko siya..

Flashback

Nag tataguan kami ni matthew ngayon. Ako ang taya. Kanina ko pa siya hinahanap pero di ko siya makita. Tapos may nakita akong anino banda dun sa may likod ng puno.

Aha! Andyan ka lang pala ha. Dahan dahan akong lumapit papuntang puno. At tama nga ako! Si matthew. Gugulatin ko sana siya pero nakita ko siyang nakatingin sa langit. Gabi na rin. Anong meron? Pero napatitig nalang ako sa kanya. Di nga ako nag kakamali ang cute niya talaga. Matagal ko rin siyang tinitigan habang pinag mamasdan ang mga stars. Tapos bigla siyang nagsalita..naikina gulat ko naman.

" Thania, halika dito sa tabi ko " nagulat ako. Pero medyo kinilig. Napansin niya na pala ako. Naglakad na ako papunta sa kanya. Tumabi ako sa tabi niya gaya ng sabi niya.

" Tingnan mo yung mga stars.." habang tinuturo yung mga bituin sa langit. Tiningnan ko ang mga ito. At WOW! Ang ganda..

" Nakikita mo ba yung dalawang bituin na magkadikit? " sabi niya habang tinuturo yung dalawang bituin.

" oo " sagot ko.

" tayong dalawa yan.. " sabi niya.

" sa lahat ng mga bituin na nasa langit yung dalawang bituin lang ang magkadikit. " oo nga napansin ko rin.

" alam mo kahit magkalayo man tayo. Yang dalawang bituin na yan ang mag sisilbing daan para di natin makalimutan ang isat isa.. kahit anong mangyari hinding hindi tayo magkakalimutan tama ba? "

" bakit mo naman sinasabi yan, hindi naman tayo maghihiwalay diba. Gaya ng mga bituin na yan? Magkadikit pa rin sila " pagtatanong ko.

" alam mo thania may mga bagay na ayaw man natin, kailangan pa rin na gawin para na rin sa ikabubuti natin. " seryoso niyang sabi.ang lalim nang sinabi niya. Ngayon ko lang nakitang nagsabi ng ganyan kalalim na salita si matthew. May problema kaya?

" mag kahiwalay man tayo thania. Kahit na hindi tayo magkadikit gaya ng dalawang bituin na iyan, mananatili pa rin sa puso natin ang pagkakaibigan natin. Tama ako diba? " tumingin siya sa akin.

Tumango na lang ako.

" pero matthew. Bakit ka naman ganyan mag salita? Iiwan mo na ba ako? " tanong ko. Napa yuko siya bigla.

" oo, aalis kasi kami ng family ko. Pupunta kaming New York at dun na titira. Si dad kasi kailangan siya duon. Ayaw naman ni mom na magkahiwalay sila kaya napagpasyahan nila na duon nalang kami tumira. Dun na rin ako mag aaral. " naka yuko pa rin siya.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon