Thania.
Nag kausap kami kahit papaano nitong si sedy. Hehe ;) cute rin pala sya. Osge. Crush ko na siya =D oh ano masaya na kayo? Hihi, pero syempre wala na akong balak pang sabihin yun sa kanya. Ayokong ma reject ♡ siguro sasabihin ko nalang sa kanya kapag malakas na ako.
" Ahmm, sedy "
" oh? "
" malabo pala talaga yang mata mo no? "
" ahh, oo naman. Haha bat mo natanong? "
" wala lang, akala ko kasi tulad ka lang dyan ng iba. Pang porma lang nila. Pero iba ka pala "
" haha, hindi ako ganun. Oo iba talaga ako sa kanila. " tas biglang lumungkot yung mukha nya.
" uy, ano ba wag ka ngang sumimangot dyan. " sabi ko ng masungit.
Tapos ngumiti sya pero fake.! Tsss, halata naman eh, kahit ngayon lang kami nagkakakilala feeling ko matagal ko na syang kakilala. Kahit na di maganda ang una naming pag kikita, infernes, magaan ang loob ko sa kanya. Diko alam kung bakit. :/
" hindi ka naman kakaiba sa kanila ahh " pagpapagaan ko ng loob sa kanya.
" tsss, di mo pa kasi ako lubusang kilala. " napaisip ako dun sa sinabi nya.
" sabagay. "
" edi, kwentuhan mo naman ako ng problema mo. Kung meron man. " alam ko meron kang problema.
" kasi... "
Ba yan binibitin pa ako. -_-
" kwento mo na kaya. " pagpipilit ko.
" Kasi hindi naman talaga castillo ang apelyido ko. " ha?! Ano daw? Eh ano?! Fernandez din? Huhu -u- hindi pede yun. Paano ko sya magiging crush kung mag ka apelyido kami?
" Hindi kasi ako tunay na anak ng mom and dad ko. Ampon lang nila ako, kaya pala parang iba ang pakiramdam ko sa kanila. Feeling ko di ako importante sa kanila. Kaya pala, kasi ampon lang ako.."
Nagulat ako sa sunod na sinabi niya. AMPON LANG SYA? Wae?! Eh sa kyut na lalaking yan. Ipapamigay pa sya?! Malabo ata mata ng tunay nyang magulang at pinaampon pa sya!
" hindi na kasi kaya ng tunay kong magulang na bayaran ang utang nila kila mom and dad, kaya bilang bayad. Ako ang ibinigay nila.."
Grabe sad naman nun. Mashaket yun, gravity.
" ahhh, kaya pala.. "
nakakalungkot naman. Naawa ako sa kanya, all this time nabuhay sya bilang bayad sa utang ng mga magulang nya?!
Eh, ako kaya? Siguro ampon lang din ako kaya parang walang halaga ako sa mom and dad ko :((
" naiintindihan kita, kasi parang pareho tayo ng nararamdaman. :) i feel im useless in our family. They dont even care about me. "
Eh bakit. Totoo naman ah! --__--
" ahhh, bakit ampon ka lang din ba? "
" haha! Sira. Hindi no. "
" pero sana, sana ampon nalang ako. Parang kahit wala akong kwenta para sa knila eh naiintindihan ko sila kasi ampon lang ako. Pero hindi eh. Anak talaga nila ako, pero bakit kailangan nilang iparamdam sa akin to? " di ko namalayan may pumatak na palang luha sa mata ko :((
Pinapatahan ako ni sedy sa pag iyak. Pero wala eh gusto talaga ilabas ng mata ko ang mga luha ko. Gusto nyang ilabas lahat ng sakit..lahat lahat..
Habang pumapatak ang mga luha sa mata ko..naalala ko tuloy yung mga panahong masaya pa ako. Yung panahong di ko pa alam ang lahat. Yung di pa nasisira ang pamilya ko..
BINABASA MO ANG
Rejected [COMPLETED]
Teen FictionBakit kailangan pa nilang mamili ng taong gugustuhin? Hindi ba pwedeng kami nalang na nag tiya tiyagang silay mahalin?