C22: Goodbye?

132 5 0
                                    


Matthew's POV

[ for better reading please play All I Never Need by Austin Mahome ]

Natataranta ako kakahanap sa kanya. Hindi ko na alam.

Kasi ang alam ko si Thania ang buhay ko. Siya lang ang kailangan ko.

" Nasaan ka na ba thania?! " bulong ko sa sarili ko.

Okey lang kaya siya? Kumain na kaya siya?

Ewan. Nag aalala lang talaga ako ng sobra kasi mahal ko na siya.

Dinala ako ng paa ko sa park. Malapit sa malaking puno. May nakita akong dalawang tao sa ilalim ng puno.

Puthamnida.

Biglang may bumagsak sa puso ko na ewan.

Ang sakit ng nakikita ko.

Habang ako natataranta kakahanap sa kanya heto siya masayang kasama yung kupal na si sedrick.

Hindi na ako nakapag pigil kaya lumapit ako.

" thania. Nandito ka lang pala. " galit na boses ko.

" matthew " sambit ni sedrick. Tapos nag smile pa ang kupal. Tangina.

" ah-anong ginagawa mo dito? " gulat na gulat si thania.

" wala. Balak ka sanang kamustahin ni celine, pero wala ka sa bahay niyo kaya hinanap ka nami--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

" si celine? Bumalik na siya? " gulat nyang sagot.

" oo. balak ka sana naming sopresahin pero mukhang ako ang nasopresa. Kamusta naman kayo ng boyfriend mo?! " ayon nalang ang nasabi ko. Nasasaktan ako eh.

" ha?! " sambit niya.

" tsss, kita ko naman eh. Alam ko inamin na ni sedrick ang nararamdaman niya sayo. Kaya ngayon panigurado kayo na. Alam ko yun naman ang gusto mo diba?! Magustuhan ka niya. Oh ayan sinabi niya na. Kaya wala na akong papel sayo. Kaya mabuti pang umalis nalang ako " kingina. Ang sakit thania. Dapat pala hindi nalang kita pinakawalan.

Kasi Thania ikaw lang pala ang kailangan ko.

Naglakad na ako palayo. Wala naman akong laban kay sedrick eh. Siya na ang bagong gusto ni Thania. Hindi na ako.

Ang tanga ko? Bat ako nasasaktan?

Hindi ba ako ang may gusto nito?

Naramdaman ko nalang may humawak sa balikat ko.

" matthew. Nagkakakamali ka--" pinutol ko na ang sasabihin niya.

" hindi thania. Tama na. Hayaan mo nalang muna akong mapag isa. " tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

Naiiyak ako.

naglakad na akong palayo. Nasasaktan ako ey. Ayokong makita niya akong mahina dahil sa kanya.

" mattnjmew. Nhagkgsyahsbji ka! " narinig ko sumigaw pa siya pero di ko na yun narinig kasi mas nagingibaw yung sakit.

Nasaktan ako. Nung nakita ko siya. Sila. Silang dalawa magkasama.

Ang gago ko talaga.

Dapat talaga hindi ko nalang siya iniwan. Edi sana masaya kami.

Kami sana ang magkasama.

Sabi na nga ba eh, sa oras na sabihin ni sedrick na gusto niya si Thania wala na ako. Talo na ako.

Tumakbo ako ng tumakbo. Umiyak lang ako ng umiyak.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon