C21: Choose

139 6 0
                                    

Thania's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Ako at si sedrick. Pareho ng nararamdaman.

" thania.." nagulat ako sa boses ni sedrick.

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno. Nakasandal ako sa balikat niya.

" bakit? "

" naalala mo ba, yung una nating pag kikita? " oo naalala ko iyon. Yung nag kabungguan kaming dalawa. Badtrip pa nga ako nung araw na yon. Kaya nadamay siya.

" oo bakit? Natarayan pa nga kita non eh. Sorry ahh "

" okey lang, kasi kung hindi mo ako tinarayan nung araw na yon. Hindi kita gusto ngayon.. "

" anong ibig mong sabihin? " painosente eh :)

" nung umpisa pa lang na nagkita tayo. Nag kagusto na ako sayo nun. Nung nag ka bunggo tayo, nakaramdam ako ng kuryente. Kaya kahit walang dahilan kinausap kita, pinilit kita mag sorry. Gusto ko kasi makita ang mukha mo. Ang mukha ng babae na magugustuhan ko. Pero nung tinarayan mo ako akala ko mali ako na ikaw na nga. Gusto ko na nga sumuko nun eh. Kaso humarap ka nung nag sorry ako. Nakita ko ang napaka amo mong mukha, gumawa na nga lang ako ng dahilan para makausap ka kaya tinanong ko kung saan ang guidance. Kahit na alam ko. "

Natawa ako.

" bakit anong nakakatawa? " sumimangot yung mukha niya.

" hindi ko kasi akalain na ganoon rin ang naramdaman mo nung mga oras na iyon. " sambit ko.

" ha? Anong ibig mong sabihin? "

" nung mga oras kasi na  yon tinamaan na rin ako sayo. Pinipigilan ko lang, natatakot kasi ako ma reject ulit. Natatakot akong masaktan. Iwanan. At kalimutan " naging emosyonal tuloy ako.

" shhhh, tahan na. " pinapatahan niya ako. Nakayakap ako sa kanya at umiiyak.

" thania. Nandito ka lang pala. " nagulat ako sa isang pamilyar na boses. Kaya inangat ko ang ulo ko para makita siya.

At tama nga ako.

" matthew " sambit ni sedrick. Tapos nag smile pa siya. Pero si matthew seryoso ang mukha. Mukhang galit siya

" ah-anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

" wala. Balak ka sanang kamustahin ni celine, pero wala ka sa bahay niyo kaya hinanap ka nami--" hindi na natuloy ang sasabihin niya.

" si celine? Bumalik na siya? " gulat kong sagot.

" oo. balak ka sana naming sopresahin pero mukhang ako ang nasopresa. Kamusta naman kayo ng boyfriend mo?! " nagulat ako sa sinabi ni matthew.

Boyfriend? Sino? Si sedrick?

" ha?! " sambit ko.

" tsss, kita ko naman eh. Alam ko inamin na ni sedrick ang nararamdaman niya sayo. Kaya ngayon panigurado kayo na. Alam ko yun naman ang gusto mo diba?! Magustuhan ka niya. Oh ayan sinabi niya na. Kaya wala na akong papel sayo. Kaya mabuti pang umalis nalang ako " nagulat ako sa mga sinabi niya. Ano bang pinagsasabi niya.

Naglakad siya palayo. Pero tumayo ako at pinigilan siya.

" matthew. Nagkakakamali ka--" naputol ang sasabihin ko.

" hindi thania. Tama na. Hayaan mo nalang muna akong mapag isa. " tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya.

At naglakad siya palayo.

" matthew. Nagkakamali ka! " sigaw ko.

Hindi ako sigurado kung narinig niya iyon. Hindi na rin siya hinabol gaya ng sabi niya. This time sinunod ko na namn siya. Gaya ng dati.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon