Parang halos lahat POV ni Thania no? Hihi. Oh eto POV ni bebe Chen ♡ yung mga V lovers diyan oh heto na! Taehyung na ^*^ enjooy ~
____________________________________
Chendrick's POVPapasok na sana ako sa loob ng kotse ng biglang may sumigaw ng pag ka lakas lakas.
" Thaniaaaaaa! " putcha mababasag ang eardrums ko sa bunganga ng babaeng to. Hingal na hingal siya.
" Grabe, aalis ka na? Di mo man lang kami hinintay. " sabay pout nung babae. infernes kapag tiningnan mo pala siya ng mabuti maganda rin pala siya.
" Haha! Sorry nagugutom na kasi ako eh " paliwanag nung kababata ni matthew.
Napatingin sa direksyon namin yung babaeng maingay.
Damn! Diko alam ang gagawin ko. Nakatingin siya ngayon sa direksyon namin.
" ahh, trishia. Si matthew nga pala kababata ko. " pagpapakilala ni thania kay matthew.
" umm hi! " bati nung trishia kay matthew at tumungo siya.
Tapos napatingin sa akin yung babaeng maingay. Grabe yung mga mata niya nakaka akit tingnan.
" ahh, si Chendrick Alcantara? kaibigan ni matthew " pagpapakilala ni thania sa akin. Aba, parang di pa siya sigurado sa pangalan ko ah. Bakit? Masyado bang gwapo pakinggan?.
" ahh, hello po " bati sa akin nung trishia. Putcha! Feeling ko namumula ako. Kaya di na ako tumingin sa kanya at pumasok na ng kotse ni matthew, baka mahalata pa nila na namumula ako.
Pero habang nasa loob ako ng kotse na matthew, nakikita ko pa rin naman si trishia. Mukhang malungkot siya dahil. Inisnab ko siya, pasensya na talaga trishia. Ayoko lang kasi na tuksuhin nila ako sayo.
" Sige mauna na kami! " pag papaalam ni matthew sa dalawa. Pumasok na siya sa loob. Mag sasalita pa sana si Thania pero pinaandar ko na yung kotse. Tsss, ayoko nang humaba ang usapan. Baka ma late pa kami.
Pero oo nga pala di niyo pa alam kung saan kami pupunta ni matthew. Pupunta kami sa bahay.
Mga ilang oras lang eh nandito na rin kami.
" Good Evening po sir! " bati sa akin ng katulong namin.
" Good evening, nasan si mom and dad? " tanong ko.
" Yung dad niyo po kaka alis lang may aasikasuhin lang daw po. "
" pero si maam nasa loob kanina ka pa hinihintay. "" ahh ganun ba sge salamat " sabi ko.
Pumasok na ako. Sinabihan ko na lang si Yaya na papasukin na lang din sa loob si matthew. May ginagawa pa kasi siya sa labas eh.
" Mom! " bati ko sabay yakap kay mom.
" oh, anak kanina pa kita hinihintay eh. Tara kain na tayo " sabi ni mom.
" eh, ang bruha kong kapatid na saan? " tanong ko kay mom. Syempre na miss ko rin yung malditang bruha na yon.
" ahh, si Iory ba? Ayun nag gala pa. Mamaya pa yun darating. Alam ko gutom ka na kaya kumain na kayo. " sabi ni mom. Kahit kelan talaga gala tong si Iory eh.
Oo kapatid ko si Iory. Iory Alcantara. Alam ko sobrang malaki ang pag kakaiba namin. Ako gwapo siya panget. Hehe, pero na miss ko rin naman yung pikunin kong kapatid eh. Simula nung sa New York ako tumira di na yun nag paramdam.
" Chen! " nakakagulat naman tong si matthew.
" ano? Saan tayo kakain? " lang hiya talaga to. Pagkain agad nasa isip.
" kailangan kasi ng pogi mong kaibigan ng pagkain para lalo siyang pumogi " kapal talaga netong lalaki nato.
" Oy! Anong pogi ka diyan? Eh mukha ka nga pogiTA! " tumawa ako. Tas sumeryoso bigla mukha niya. Pikon talaga to.
" dejoke lang. Tara na nga kumain na tayo " pag yayaya ko.
Dumiretso na kami sa kusina. Nakaupo na si mom sa upuan niya.
" Hello po tita " bati ni matthew.
" oh! Aba matthew lalo ka yatang gumwapo? " ha, seryoso ka mom? Ngiting abot langit naman tong si matthew.
" Mom? Okey ka lang? Gutom ka lang yata. Kumain ka na nga kung ano ano nang lumalabas sa bibig mo eh. " totoo naman eh.
Natawa bigla si mom at matthew. Tapos kumain nalang din sila. Habang kumakain kami biglang nag salita si mom.
" amm, nak! Wag ka na kaya bumalik sa New York. " nagulat ako sa sinabi ni mom. Muntik na nga ako mabulunan sa sinabi niya eh.
" kasi anak, okey naman na dito. Di mo na kailangan mag aral dun. Tsaka ikaw rin mamimiss mo kami " sabay pout si mom.
Pa kyut rin eh no. Pero sabagay tama nga naman si mom. Oo nga maganda na dito." ahhm, mom kasi "
" bakit anak? Ayaw mo ba dito? "
" hindi naman sa ganun mom. Ano lang kasi.. "
" kasi?" Tanong ni mom. Napatingin ako kay matthew. Sumenyas siya na parang sinasabing ' sige sabihin mo na '
Okey well sasabihin ko na nga.
" Mom. Kasi napag desisyunan na namin ni matthew na wag nang bumalik sa New York. " ngumiti si mom.
" yun naman pala eh, edi walang problema. " sabi ni mom.
" pero kasi mom.. "
Tumaas yung kilay ni mom.
" kasi mom wala pa kaming alam na school na pag tratransferan eh " ngumiti naman si mom.
" ano ba naman anak. Yun lang naman pala eh, edi sa school ka ng kapatid mo mag aral. Maganda naman dun eh. Sa Saint Dominic University. " napangiti nalang ako kay mom.
" ako nang bahala sa inyo ni matthew. Okey? Kumain ka nalang dyan. Ako na bahala mag asikaso ng papers " sabi ni mom at umalis na siya.
Yes! Di na rin ako babalik ng New York. Pero teka? Saan ulit ako mag aaral? Sa SAINT DOMINIC UNIVERSITY?! sa school ng kapatid ko? Pero teka, diba dun din kami galing kanina? So it means.. magiging school mate ko si TRISHIA ALDANA? Damn. Shit! Oh, no.
____________________________
Done na ang chap7. Sorry kung maiksi. Special chapter lang kasi yan ni Chen. Yiieee. May POV na si Kuya Chen :* Hope you enjoying my story. Continue reading guys. Kamsa!
Vote. Comment. Read.
BINABASA MO ANG
Rejected [COMPLETED]
Teen FictionBakit kailangan pa nilang mamili ng taong gugustuhin? Hindi ba pwedeng kami nalang na nag tiya tiyagang silay mahalin?