C23: Never

110 5 0
                                    


Thania's POV

Ilang weeks na rin ang lumipas. Pero si matthew heto pa rin hindi nagigising.

" iha umuwi ka kaya muna sa inyo " sambit ni Tita Sharon. Ilang weeks na rin kasi akong hindi umuuwi. Hindi ko kasi kayang iwan si matthew dito lalo na sa kalagayan niya ngayon? Na ako ang may kasalanan.

" ahh. Hindi ko po iiwan ang anak niyo gaya ng pinangako ko sa inyo. "

" sigurado ka ba dyan iha? " nag aalala niyang sagot.

" opo naman " then i smile. Mukha naman siyang nakampante.

" salamat iha ha? Salamat dahil binigyan mo ng chance ang anak ko. "

" wala po iyon tita sharon "

" sge uuwi lang muna ako at kukuha ng damit pamalit. " tapos kiniss niya pa ako sa cheeks then umalis.

Kami lang ni matthew ang nasa kwarto. Napaka lungkot.lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga nanlalamig niyang kamay.

Nasasaktan ako sa nakikita ngayon.

Nararamdaman ko na naman yung pakiramdam nung wala siya. Nung umalis siya papuntang U.S ganitong ganito yung nararamdaman ko nun eh. Ang sakit.

Yung feeling ng nag iisa.

" matthew? Hindi mo naman ako iiwan diba? " umiiyak ako at kinakausap siya.

Para akong ewan. Walang sumasagot sa akin kundi hangin lang.

Lalo tuloy ako naiyak.

Ilang weeks na ang lumipas. Pero hindi pa rin siya nagigising nawawalan na ako ng pag asa na magigising pa siya.

Habang tinitingnan ko siyang mahimbing ang tulog. Naiiyak ako. Sana nga natutulog lang siya. Tapos gigising rin kapag okey na.

" alam ko matthew babalik ka pa. Gaya ng ginawa mo bumalik ka galing U.S " umiiyak ako.

" diba? Hindi mo naman ako iiwan? " umiiyak lang ako.

" gaya ng sabi mo yung mga bituin na mag kadikit? Magkasama at matatag sila. Diba sabi mo tayo yon? Kaya hindi mo ako iiwan tama ako diba? " lalo na akong umiyak.

Hiniga ko nalang ang ulo ko sa kama na hinihigaan niya. Hawak ko pa rin yung mga kamay niya na ngayon ay basang basa na sa mga luha ko.

" matthew. Pangako, hindi kita iiwan. Basta wag mo lang din ako iwan ha? Hindi ko naman ako iiwan diba? Hindi ko pala kaya na mawala ka. Bestfriend " habang umiiyak ako naramdaman kong parang gumalaw yung mga daliri niya.

Napatigil ako sa pag iyak.

" matthew? " pag angat ko ng ulo ko. Nagulat ako. Sobra. Totoo ba to?

Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Mulat na ang mga mata niya.

Kinurot ko pa yung sarili ko at nakaramdam ako ng sakit.

" totoo nga! Gising ka na matthew! " para akong bata na nagtatalon sa saya.

" hehe. Alam kong masaya ka na gising na ako. Pero try mo kaya munang tumawag ng doctor diba? " nanghihina niyang sabi.

Oo nga pala no? Bat hindi pa ako tumawag ng doctor.

" ay! Oo nga pala sorry. Sge saglit lang ah. Wag ka pipikit. Wag ka ulit matutulog. Saglit lang ako. Okey? " tumango naman siya.

Para akong si Flash. Tinawag ko agad yung doctor. At pumunta na siya sa kwarto ni Matthew. Habang nasa loob si yung doctor nasa labas lang ako hihintay ang resulta ng exam kung okey lang ba siya. Tinawagan ko muna si Tita sharon. At mga ilang oras lang din ay nakarating na siya.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon