C19: Sorry

137 6 0
                                    

Sorry sa super late update. Busy kasi ang author niyo. Hehe sa mga nag hihintay ng update ko. Eto na! Enjoy ;*

______________

Celines POV

Naiwan ako ulit dito. Lagi naman ako naiiwan ey, sanay na ako. Naglakad lakad nalang ako. Ayoko pang umuwi.

" ang tanga mo! Nakasakit ka na nman! " isang lalaki ang nasa malapit sa ilog sa park. Ang ingay niya. Mukhang galit siya sa sarili niya.

" bakit ba kasi ang gago mo? Bat kailangan ko pang makasakit ng tao kapag magmamahal ako? " hinaing niya.

" Lahat ng bagay may rason. Sabi nila? Pero tama ka nagmahal lang naman tayo eh bakit kailangan pang may maapektuhan o madamay sa sitwasyon natin? Bakit kailangan may hadlang para sila ay mahalin? " biglang singit ko. Nakatalikod pa rin yung lalaki.

Ang sakit kasi. Bakit kailangan kapag nagmamahal ako ako lagi ang dapat magparaya? Ako lagi ang naiiwan? Ako ang sawi? Ako ang kailangan bumitaw?

Una kay Jonathan. Minahal ko lang naman siya eh, bakit kailangan ko pang masaktan? Pangalawa kay Matthew gusto ko palang siya pero natatakot akong masaktan si Thania. Ayokong agawin ang pagtingin ni matthew kay thania. Dahil alam kong silang dalawa ay para sa isat isa.

" Ang tanga kasi ni kupido at tadhana no? Pinagkaka isahan nila tayo. " dagdag ko.

Lumapit ako ng lumapit sa pwesto niya.

Natahimik siya unti.

" bakit kaya hindi pa nila binibigay yung taong para sa akin? " tumabi ako sa kanya. Naka gilid siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

" siguro hindi pa ito yung tamang panahon para sayo " seryoso niyang sabi. Parang kanina lang siya ang pinapayuhan ko ngayon ako na?!

" okey. Sabihin na nating hindi ito yung tamang panahon para makilala ko si Mr. Right. Pero tama ba na masaktan pa ako? "

" alam mo. Yung sakit na nararamdaman mo yan ang susi mo para sa maganda mong kinabukasan. Nang dahil diyan mas lalo kang tatatag. Titibay. Magkakaroon ng lakas para harapin pa ang darating na hamon mo sa buhay. " abay hugots.

" salamat ah. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko " sabi ko.

" Ha? Ako nga ang may dahilan kung bakit ka nasaktan eh sorry " sabi nung lalaki. Ang weird niya this time.

" Huh? Hindi kita maintindihan " dahan dahan siyang humarap.

At damn!

" sorry celine...sorry kung dahil sa akin nasaktan ka...sorry kung naging rebound ka lang...sorry kung ni minsan hindi kita nagawang mahalin..." naiiyak siya

"...pinilit ko naman celine eh....pero kahit anong gawin ko ayaw niya talaga eh....nakokonsensya ako sa tuwing sinasabi kong mahal kita kahit na hindi...pinipilit ko na kalimutan ko siya pero ayaw...bakit ganun? Celine bakit kailangan pa kitang masaktan?!" Umiyak na siya. Halata sa kanya ang sobrang guilt.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

" alam mo jonathan. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo or what?! " naiirita kong sabi.

" kasi mas nangingibabaw ngayon yung awa sa akin eh. " naiiyak na ako.

" Nagagalit ako! Kasi sa lahat ng tao sa mundo bakit kailangan tayong tatlo pa? " umiyak na ako.

" naawa ako sa ating dalawa dahil sa sobrang hirap na sitwasyon natin! "

" wala naman tayong kasalanan at bakit ganyan kalupit ang tadhana sa atin? " umiiyak na ako.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon