C12: Finding

137 10 1
                                    


Madalas na sa mga kwento ang mga love triangle. Tapos sa huli may isang masasaktan. At may isang mag wawagi. Sa tingin niyo? Sinong magwawagi? Meron nga bang magwawagi?

_________________________

Sedrick's POV

Kanina ko pa hinahanap si Thania. 8:25 na ng gabi. Nag aalala na ako. Nag hiwalay na nga kami ni Trishia para mapabilis ang paghahanap sa kanya.

Kanina lang kausap niya yung mokong na matthew. Kababata niya. Kaya wala talaga akong tiwala sa kupal na iyon. Baka may ginawa na siya kay thania.

Ngayon lang ako ganito sobrang nag aalala. Bakit nga ba? Siguro concern lang talaga ako kay thania.

Hindi ko napansin andito na pala ako sa park. Ano nga bang ginagawa ko dito? Bat dito ako dinala ng paa ko? Maya maya kusa na lamang naglakad ang paa ko papunta sa napalaking puno. Wala masyadong tao doon banda, at bakit gusto ng paa ko na doon ako pumunta?

Palapit ako ng palapit. Palakas rin ng palakas ang tibok ng puso ko. Maya maya paglapit ko. Nagulat ako sa nakita ko..

Nakita ko si Thania na nakasandal sa balikat ni Matthew. Habang si matthew naman nag babasa ng libro.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng galit.

Anong nangyayari sa akin?

Bigla na lang napasara ang kamao ko. Parang gusto niyang manuntok.

Nakita ko si matthew hinawi niya ang buhok ni Thania.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong lumapit sa dalawa.

" bro! " bati sa akin ni matthew.

" Bro ka diyan. " seryso kung sabi.

" bro mo mukha mo! " dagdag ko.

Nagulat siya ng bigla kong hatakin si thania at ipasan sa likod ko. Hindi man lang nagising sa Thania.

" Oy, brad okey ka lang ba? Anong ginagawa mo? " sabi ni matthew at gusto niyang kunin ulit si Thania sa balikat ko.

" alam mo pre. Kanina pa namin hinahanap si Thania. Nag aalala na kami sa kanya, tapos nandito lang pala kayo nag lalandian. " paliwanag ko.

" oh, tapos? " pang aasar niya.

" hindi mo ba ako naiintindihan. Sabi ko dahil sayo nag alala kami kay thania. Hindi ka man lang nag sasabi kung saan mo siya dinala. "

" anong gagawin ko? " nang aasar yung ngiti niya.

" gagawin mo. Simple lang layuan mo ang kaibigan ko. " seryso kong sagot. Tumawa siya.

" bakit? Kayo ba ni Thania? Wag kang umasta na parang pag mamay ari mo na siya. " natatawa pa siya. ang yabang nento ah.

" hindi. " sabi ko.

" yun naman pala. Eh anong pinaglalaban mo? " nakangisi siya.

" concern lang ako. " tama. Concern lang naman ako eh.

" Sus. " maikli niyang sabi.

" alam mo brad. Alam kong gusto mo rin si Thania..."

"..pero ito ang tatandaan mo. Kapag ginusto mo siya, ako ang makakalaban mo.." seryso niyang sabi.

" Teka may sinabi ba akong gusto ko siya? Wala naman diba? Ang sabi ko concern lang ako. " totoo naman eh. Concern lang talaga ako.

" Osge. Sinabi mo yan ah. Walang bawian. " sabi niya.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon