C10: Like him not?

150 9 2
                                    

Thania's POV

Nag walk out ako. Pisteng yawa naman oh. Pati ba naman pinsan ko? Kingina Iory tantanan mo na ako.

Kasama ko ngayon si matthew. Naglalakad kami ngayon. Pupunta kaming library. Sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko ng katahimikan. Ayst! Gusto kong makalimot.

Pumasok na kami sa library.

" Amm, doon lang ako ah. " sabi ni matthew sabay turo banda dun sa mga libro ng science. Favorite niya kasi ang science.

Ako naman. Pumunta ako sa station ng mga pocket books. Mga kwento ni blue_maiden ang binabasa ko. Kumuha ako ng kwento. The good girls revenge. Ang ganda. Cover pa lang ng book. Tinitigan ko yung cover. Picture pa lang maganda na. For sure mas maganda loob nito.

" Maganda yung kwento niyan. " nagulat ako sa nagsalita. Tumungo ako para makita siya. Teka SIYA NA NAMAN?!

" IKAW?! " sigaw ko.

" Ssshhh.. " sabi nung librarian.

Mukhang napalakas ata.

" ikaw? " this time mahina na ang boses ko.

" anong ako? " sabi niya.

" ikaw na naman, " sabi ko.

" excuse me. Miss di nga kita kilala eh. Sa dinami dami ng babaeng pumipila sa ka gwapuhan ko di na kita maalala. " abay mahangin.

" yabang. " bulong ko.

" anong sabi mo? "

" wala sabi ko. Ikaw yung nakipag agawan sa akin nung libro ni blue_maiden na TFBAM. Si kuyang mahilig humugot. " sabi ko.
Matagal rin siyang nag isip.

" ahh naalala na kita! " sabi niya. Ngayon lang ah.

" ikaw si ateng masungit. " sabi niya. Aba! Oo i admit it. Masungit na kung masungit.

" oo ako yun. "

" sorry nga pala ah. Gusto ko kasi una lang. Ayoko ng pangalawa. Di ako naniniwala sa second chance. Kasi kung una pa lang mahal mo na siya wala ka nang balak para pakawalan siya. At saktan siya. edi sana wala ng dahilan para mag karoon pa ng second chance. Dahil sa oras na iyon. Wala ka ng balak na pakawalan pa siya. Dahil mahal mo nga siya. " hugot na naman.

" hugot ka na naman. May pinag dadaanan ka ba? " tanong ko.

" wala naman. "

" di mo naman kailangan ng karanasan para matauhan. " nakanang! Ngayon lang ako naka kilala ng ganitong lalaki na malakas maka hugot.

" by the way, Jonathan Dela Cruz. Section B " pagpapakilala niya.

" and you? "

" Ah. Thania Fernandez, section A "

" Magkatabi lang pala section natin, kaya pala lagi kitang nakikita. " sabi niya.

" ahhh " sabi ko nalang.

" alam mo maganda yang The Good Girls Revenge. Maraming aral meron diyan. " madaldal pala to.

" ahh, ganun ba. Nabasa mo na? " tanong ko.

" Oo lahat ng story ata ni Blue_maiden tapos ko na basahin. " ang galing naman. Fan rin pala siya ni blue_maiden.

" Ahh. Eh bakit nung unang nagkita tayo nakipag agawan ka pa sa akin ng TFBAM? "

" wala, gusto ko lang ulit ulitin. "

" ahh, ganun sige mauna na ako. " pagpapaalam ko. Baka hinahanap na ako ni matthew.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon