C20: Confirmation

142 7 0
                                    

I think mga ilang chapters nalang po, sana po basahin niyo siya :(

___________________________________________

Sedrick's POV

Gumising ako ng maaga. Hindi ko alam pero parang gusto kong lumabas. Gustong kong lumabas kasama siya.

Anong nang yayari sa akin.

Ilang weeks ko na rin itong nararamdaman. Yung mga kirot sa puso ko sa twing nakikita ko siyang may kasamang iba. Eto yon.

Ayos lang ba ako?

Kusa nalang na gumalaw ang katawan ko. Bumaba ako para kumain.

Habang nakain ako mag isa. Nag iisip pa rin ako. Kung ano ba itong nararamdaman ko. Ang gulo eh.

*kring! Kring!*

Bigla akong nagising sa pag kakatulala dito. Kinuha ko ang phone ko.

》Jonathan On Call 《

[" bro!"]  Pambihira si jonathan lang pala. Oo nga pala kaibigan ko si jonathan kasama siya sa aming lima nila Trisha.

" bakit? " cold kong sabi

[ "Heyy! Easy. Ayaw mo ba ako kausap?" ]

" wala lang ako sa mood. "

" ano ba kailangan mo ah? Wala akong pera ah " prinanka ko na.

[ " hoy! Ang kapal  mo bro. Wag ka mag alala hindi naman ako mangungutang sayo eh. " ]

" edi kung ganon diretsuhin mo na lang ako. " seryoso kong sabi.

[ " eto naman nag mamadali. " ]

" ano ba?! May kailangan ka ba talaga?! " dahil sa inis ko nasigawan ko na siya.

" so-sorry.."

[ " chill, aayain lang sana kita lumabas. Kaso mukhang may problema ka ata. Ano ba problema bro? " ]

" wala. " sambit ko. Mas okey nang wala siyang alam.

[ " tss.. babae no,? Lagi nalang babae ang problema nating mga lalaki. Bat kaya? " ]

" siraulo. "

[ " wag mo nga ako lokohin sed. Kilala na kita. Este kilala ka na namin ni trish.  Kaya alam ko kapag may problema ka. At sa tono palang ng boses mo alam ko na na babae ang problema mo. "] Pambihira naman oh. Kahit kelan talaga wala akong matago sa kanila.

[ " ano bang problema bro? " ] hayst.

Mabuti pa siguro sabihin ko na sa kanya. Baka sakaling masagot niya ang mga tanong ko.  Matinik pa naman to si Jonathan pagdating sa mga babae.

" kasi bro.."

"...hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. "

[ " anong nararamdaman? " ]

" hindi ko sigurado bro. Pero mukhang nag kakagusto ako sa isang babae. "

[ " got it! " ] singit niya.

" gets mo na? Sa tingin mo paano ko ba masosolusyonan to. Gusto ko na matigil yung kakaisip sa kanya, yung feeling na hindi mapakali. Tapos yung kumikirot kapag nakikita ko na may kasama siyang iba. "

[ " simple lang boy. Umamin ka, wag torpe. Hindi ka torpehan ang solusyon diyan. " ]

" ano?! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para umamin sa kanya na gusto ko siya. And hindi pa nman kumpirmado na gusto ko na nga talaga sya. "

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon