C17: Meet

137 9 1
                                    


Matthew's POV

Nasaktan ako. Pero kasalanan ko naman yun kasi ako ay gago.

Iniwan ko siya. Ginusto ko siyang kalimutan ako. Nahirapan ako sa ginawa ko. Akala ko kaya ko pero hindi pala.

Sinabi ko lang naman na kalimutan niya na ako at maghanap ng bagong gugustuhin yun ay dahil sa ayaw ko siyang umasa. Ayoko siyang paasahin na babalik pa ako.

Akala ko kasi habang buhay na kami titira nila mom and dad sa New york pero nagkamali pala ako. Uuwi rin pala kami.

Pero nung umuwi na kami. Wala na sa akin si Thania. Hindi na ako ang gusto niya. Ginawa niya ang sinabi ko sa kanya.

Isa akong malaking tanga.

Bata palang kami gusto ko na siya. Bestfriends nga kami diba? Partnes in crime pa nga sabi nila. Siya lang naman ang maganda kong taga pag ligtas.

Ang kulit eh no? Kalalaki kong tao babae ang nagtatangol sa akin. Pero noon yun. Noong bata pa kami.

Kaya ngayon ako naman ang proprotekta sa kanya.

Pero nagkamali ako. Iiwan ko rin pala siya gaya ng ginawa sa kanya ni celine na kaibigan nila ni Iory. Simula ng umalis si celine sa samahan nila nagbago na sila. Lalo na si Iory.

Ginawan niya ng kwento ang kaibigan niya. Siniraan niya ito. Hindi ko alam kung bakit nagawa iyon ni Iory kay Thania. Pero ang alam ko lang.

Hindi ko na hahayaang saktan pa nila si thania.

Nandito ako ngayon sa isang bar. Magbabawas lang ng sakit. Ng mga katangahang ginawa ko.

" Ang gago ko kasi! Dapat di ko nalang siya pinakawalan. Edi sana ako pa rin ang nasa puso niya ngayon. " bulong ko sa sarili ko.

T*angina!

" dalawang hard " nagulat ako sa isang babae sa harap ko. Mukhang malaki rin ang problema niya ah.

" Miss mukhang malaki laki yang problema mo ah " sabi ko sa babae at nakayuko lang siya at mukhang naiiyak.

" walang hiya kasi eh. Nagmahal lang naman ako ah! Bakit kailangan ko lang masaktan " mukhang pamilyar ang boses niya. Pero hindi ko nalang iyon pinansin. Lasing lang ata ako.

" oo nga eh. Grabe talaga si kupido. Kung kani kanino pa pina pana ang mga mahal natin " sagot ko.

Inilapag na ng bartender ang dalawang hard niyang alak. Agad nya naman itong tinungga.

Grabe. Kababae niyang tao ang lakas niya uminom ng hard. Talo niya pa ako ah.

Umiyak siya. Nakaharang ang buhok niya kaya hindi ko siya masyadong makita.

" ano bang problema miss? " tanong ko.

" tangin* ginawang rebound lang naman ako. Tinimer pa ako! At ang mas malala sa bestfriend ko pa. " pagsabi niya noon ay humarap siya.

Tama ba itong nakikita ko? Siya na ba yan?

" celine? " gulat kong sabi.

Lasing lang ata ako. Imposibleng si celine to. Diba nasa US siya.

" matthew " sabi niya at humagolgol siya sa pag iyak. Niyakap ko nalang siya.

" okey ka lang ba? " tanong ko.

" hindi! Hindi ba halata? Tangin*ng yan dapat pala di nalang ako bumalik kunwari wala nalang akong alam para hindi ako nasaktan ng ganito.." umiiyak siya.

Naawa ako sa kanya. Mukhang mas mabigat ang problema niya ah.

" kung hindi ko kasi siya iniwan edi sana masaya kami ngayon. " dagdag niya.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon