C25: Comeback

218 6 2
                                    

Thania.

Nagmadali na ako at humanap ng masasakyan. Sumakay ako ng taxi. Habang nasa loob ako ng taxi. Hindi ako mapalagay.

Nararamdaman ko na naman yung takot. Takot na maiwang mag isa.

Simula kasi nung naging kami ni matthew. Inayos niya lahat. Pinapasaya niya ako sa tuwing malungkot ako. Lagi siyang nadyan para sa akin. Actually matagal ko nang napapansin ang hina sa kanya. Pero sa twing titingin ako sa kanya or tatanungin ko siya if okey lang siya sinasagot niya ako ng isang ngiti. Ngiting talagang makakampante ka. Hindi ko nalang yun pinansin. Inenjoy ko ang mga araw na kasama ko siya. Yung mga araw na wala siyang ginawa para pasayahin lang ako.

Mga ilang oras lang din at nasa ospital na ako. Nakita ko si Tita Sharon and Mom sa labas ng room.

" sorry tita and mom, na trapik ako " sambit ko.

Hindi sila nag salita. Hangin lang sumagot sa akin.

" may problema po ba? " nag tataka kong tanong.

Bigla nalang napa hagulgol sa pag iyak si Tita Sharon. Si mom naman hinihimas ang likod ni Tita at pinapakalma niya.

Sa mga nakikita ko ngayon at sa mga kinikilos nila. Mukhang may nangyaring hindi maganda.

Hindi na ulit ako nagtanong sa kanila. Baka isnabin lang ulit nila ako. Papasukin ko nalang ang kwarto kung nasaan si matthew.

Habang hawak hawak ko ang door knob biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Pagbukas ko nakita ko si Ashley sa loob. Oo nga pala okey na kami salamat kay matthew.

" thania kanina ka pa niya hihintay " biglang tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya.

" aalis na muna ako para makapag usap kayo. " sambit ni ash at lumabas na. Tinapik niya muna ang balikat ko. Parang may ibig siyang iparating pero di ko malaman kung ano iyon.

pag alis ni ash natanaw ko na ang kamang hinihigaan ni matthew. Ngumiti siya sa akin. Nakaka pang hinang ngiti. Gumanti nalang ako ng ngiti.

" kamusta? " sambit ko.

" o. Ookeey laang ddaw akoo " nang hihina siya. Parang may kung anong kumikirot tuloy sa puso ko na ewan.

" really? Thats good. " ngumiti ako.

" magpagaling ka kaagad para ma ipasyal mo ulit ako, tapos maasar mo ulit ako, alam mo naman mamimiss ko yung panget mong mukha. " biro ko para matawa siya. Pero mukhang di effective, bigla tuloy lumungkot yung mukha niya.

May nasabi ba akong mali?

" thaniaa " bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumingin ako sa kanya. Habang tinitingnan ko siya kitang kita mo na talaga ang pang hihina niya. Naiiyak tuloy ako. Kung pwede lang na ako nalang ang nasa kalagayan niya eh. Kasi ako naman talaga ang may kasalanan kaya siya nag kaka ganyan ngayon.

Bigla nalang tumulo yung luha sa mata ko. Agad ko yung pinunasan para di niya makita. Ayokong nakikita niya akong mahina.

" sa totoo lang. Thania, napapagod na ako. Hindi ko na kaya eh. Ikaw na lang ang nag papalakas sa akin kayo nila mom and dad pero hindi pala sapat yon. Hindi pala talaga natin kayang kalabanin ang naka tadhana sa akin. " kahit na nang hihina siya pinilit niya pa rin iyong sabihin sa akin.

" ganoon ba matthew? Sge kung yun ang gusto mo, ayoko na rin kasing nakikita kang nahihirapan eh. Nasasaktan ako, kahit na ayaw ko pang iwan mo ako pero kung iyon ang mas nakabubuti sayo. Sige hahayaan kita. Wag ka mag alala magiging matatag ako para sayo. " naging kampante siya sa mga sinabi ko.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon