C5: Who's Back

262 12 0
                                    

Thania.

Ano na naman bang binabalak mo iory ha? Bat ka pa bumalik? Tsss..

" Siguro Ex. BEST FRIEND natatakot ka na ngayon kasi nagbalik na ako. Wag ka mag alala di ko naman guguluhin ang buhay mo eh. Sobrang guguluhin ko lang " with nakakaasar na ngiti galing sa kanya.

Sa ngayon gusto kong hilain ang buhok niya at kalbuhin siya. Naasar na ako sa kanya! Ano ba kasing balak niya ha?

" Magka kilala kayo Best Thania? " nagulat ako sa boses ni trishia. Nakaupo pa rin siya sa ngayon. Kaya tinulungan ko siyang tumayo.

" Ahh. Oo Best Trisha " sabi ko sabay nakapang hihinayang na ngiti.

" Aba! May bago ka na palang bestfriend thania? Sana lang tama yang pinili mo para maging bestfriend mo. " biglang singit ni iory.

" Oo naman! Syempre pipili ako ng bestfriend na hindi kasing panget ng ugali mo iory! " ganti ko.

Nagtataka yung mukha ni trisha. Halatang naguguluhan talaga siya.

" Umm. Iory Alcantara nga pala Ex. BEST FRIEND ni thania. " pagpapakilala ni Iory. At nakalapat ang kamay niya na nagyaya ya ng shake hands kay trisha.

Agad ko namang tinabig ang kamay ni Iory.

" Layuan mo nalang kami ng BEST FRIEND ko iory. " galit na sabi ko.

" Bakit thania? Natatakot ka ba na traydurin ka rin ng bagong bestfriend mo? " pang aasar ni iory.

Nakaka asar na talaga siya ah.

" Hindi! Dahil may tiwala ako kay trisha. wag mo siyang itulad sayo TRAYDOR!  " sigaw ko.

Ngumisi siya na parang nang aasar. Hinila ko nalang si trisha at naglakad na kami palayo kay iory. =_=

Nang makalayo layo na kami kila Iory. Biglang nagsalita si trishia.

" Ahh. Eh. Thania? " natatakot na sabi ni trishia.

" bakit. " seryoso kong sagot.

" Amm, pwde mo na ba akong bitawan? " natatakot na boses ni trisha.

Opps! Tinanggal ko yung pagkakahawak ko sa kanya. Shemay namumula yung braso niya. Masyado atang mahigpit yung kapit ko. Ayoko lang naman mawala siya, ayokong mawalan ulit ng bestfriend.

" Ayy! Oo nga sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko " sabi ko habang hinihimas ang kamay niya. Grabe ang pula talaga.

" haha. Okey lang " sabi ni trishia. Tapos kumikilos pa siya na parang okey talaga siya.

Naglakad na lang ulit kami.

" A..Thania? "

" Yeh? "

" Ano bang meron kayo ni ... Iory ba yun? "

Shet lang talaga! Please naman trishia. Ayoko siyang pag usapan.

" Ahh, wala. Ginulo niya lang naman ang tahimik kong mundo. "

" Ha? Paanong ginulo? " dahil sa sinabi niya naalala ko tuloy ang mga nangyari noon. Kung gaano pa kalaki ang tiwala ko sa bestfriend ko. Ang bestfriend kong si Iory.

Flashback

Umiiyak ako ngayon dahil naubusan ako ng chocolate sa tindahan..may biglang lumapit sa akin na batang babae.

May inabot siya sa akin.

" Gusto mo? " tiningnan ko yung hawak niya. Gush! Chocolate. =) pero isa lang eh. Paano siya? Tiningnan ko yung batang babae na parang sinasabing 'pano ka?'

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon