C8: Schoolmate? Classmate?

166 9 1
                                    

Ashley's POV

Grabe. Ang aga kong nagising! Excited much lang? Paano ba naman. This is my First class. At sa school pa ng mahal kong pinsan. I cant wait.

Kahapon lang in enroll ako ni tita sa school ng pinsan ko. Till now di ko pa rin alam ang section ko. Kahapon lang din bumili na ako ng mga school supplies na gagamitin ko. Ang bait talaga ni tita sa akin. Nag shopping din kami kahit papa ano, binilhan ako ni tita ng uniform at mga damit na pambahay at pang alis. Bait talaga ni tita. Gabi na rin kami naka uwi. Pero eto ang aga ko pa rin nagising. Im so excited lang talaga.

Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si tita paalis na.

" Ohh, dear gising ka na pala. Excited? " sabi ni tita.

" yeah " sabi ko sabay smile.

" Sige kumain ka nalang. Si thania nga pala pakainin mo na lang. Alam mo naman yung batang yun. Wag mo pababayaan yun ah. Sge mauna na ako. May work pa si tita. Good luck sa first day mo ah! " sabi ni tita.

" Ahh, sge po. Thanks! " sabi ko sabay kiss sa cheeks ni tita. Umalis na siya. Dumiretso na ako sa kusina pero nakita ko si thania naka uniform na siya, Gising na pala siya..

" couz " bati ko. Naka busangot siya mukhang di maganda ang gising niya.

" may problema ba couz? " tanong ko.

" Wala. " maikli niyang sagot.

" kumain ka na, bilin sa akin ni tita. " sabi ko. Tapos ngumisi siya.

" wow. Talaga lang? Anong nakain non? Himala atang naalala niya ako. " sabi niya tapos naka simangot.

Hay naku! Thania kung alam mo lang. Nung nag gala nga kami kahapon ni Tita eh laging ikaw ang bukang bibig niya. Naalala niya daw dati kapag nag shoshopping kayo, napaka arte mo daw ayaw mo daw ng sobrang ikli. Napaka sensitive mo daw pag dating sa pagkain, bawal ka pala ng sobrang tamis kasi may allergy ka. Tapos daw nung bata ka pa pipilitin ka pa ni Tita maligo dahil ayaw mo gusto mo lang maglaro ng maglaro maghapon. Kung maiibabalik kang daw ni Tita ang dati. Pero hindi na. Nangyari na ang dapat mangyari. Kwinento rin sa akin ni tita na sinabi niya daw sayo na minsan gusto ka na niyang ipalaglag, hindi daw yon totoo. Nadala lang daw siya ng galit sa dad mo ng mga araw na iyon. Nag sisisi siya sa mga ginawa niya nang araw na iyon. Pero wala na daw.

Naiingit nga ako sa iyo thania eh, buti ka pa may mom kang naaalala ka. Samantalang ako wala.

" Pinaparamdam sayo ni Tita ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Pero di mo man lang maramdaman. " pabulong kong sabi. Ayaw ko kasing sa akin mang gagaling ang lahat ng sinabi ni tita kahapon. Mas maganda nang si tita ang magsabi nito kay thania.

" sige mauna na ako! " sabi niya, mukhang di niya narinig ang sinabi ko.

Umalis na siya. Samatalang ako naiwan dito. Di pa pala ako nakain. Gusto ko sanang sumabay sa kanya pero wala eh, nauna na siya. Ayoko namang paghintayin pa siya. Mukha pa namang di maganda ang gising niya.

Kumain na akong mag isa. Pagkatapos hinugasan ko na rin yung mga pinggan na pinag kainan namin. Naligo na rin ako. At sinuot ang uniform na bili sa akin ni tita.

Wow. Ang ganda bagay sa akin. Sinuklay ko na ang buhok ko, at kinuha ang bag ko. At lumabas na ng kwarto. Baba ba na sana ako ng may marinig akong ingay sa kwarto ni Tita.

Wala namang tao dito di ba? Gush! Wag niyong sabihing MAGNANAKAW yan?!

Dahan dahan akong lumapit sa pinto. Bubuksan ko na sana ito, pero bigla rin itong bumukas.

" Ahhhhhhhh! " sabay naming sigaw.

Hue, si tita lang pala. Pero bakit siya bumalik?

" Tita? "

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon