C14: Were Free

154 11 0
                                    

Chendicks POV

May narinig akong ingay sa labas. Mukhang may nasira o nawasak. Maya maya bigla ko nalang nakita si Matthew, Thania at isang misteryosong lalaki. Tumatakbo sila papalapit sa amin.

" best?! " bungad ni Thania. Tapos tumingin silang lahat ng masama sa akin.

" anong ginawa mo kay best? " tanong ni Thania.

" uy, bro wala kang sinasabi sa akin ah. Kayo pala ni ano ah " nang aasar pa si kupal.

" wala. Nakatulog lang siya. Wala kaming ginawa, na lock kami dito. " depensa ko.

" at ano naman ginagawa mo sa ganitong oras? " seryosong sabi nung lalaki.

" bakit? Masama bang mag basketball? " tanong ko. Inangasan ko sya ng boses.

Agad niyang binuhat si Trishia.

" Hoy! Teka. Sino ka ba para bigla nalang siyang buhatin? " tanong ko.

" bestfriend niya ako bakit? " maangas niyang sagot.

" eh ikaw? " tanong niya. Magsasalita na sana ako pero biglang sumabat si Thania Mabunganga.

" Ahh. Sedrick si Chendrick Alcantara. Kaibigan ni matthew. " pagpapakilala sa akin.

" kaya pala " ngumisi pa si kupal. Yabang nento ah.

" At, chen si John Sedrick M. Castillo. Kaibigan ko at bestfriend ni Trishia. " ahh sedrick pala pangalan ni yabang.

Bigla naman nagising si Trishia.

" anong nang yayari? " sambit niya.

" Iuuwi na kita. Baka nag aalala na sila Tita " sabi nung sedrick yabang.

" Halika na thania, ihahatid na rin kita " sabi nung sedrick.

" Anong ikaw? Ako ang mag hahatid kay thania. " biglang singit ni matthew.

" at para ano? Para tangayin ulit siya? " maangas na tanong nung lalaki.

" hindi. Dahil manliligaw ako ni Thania " maangas rin na sagot ni matthew. Nagtama yung mga mata nila at mukhang gyera na ito.

" okey. " tipid na sagot nung sedrick.

" ingat nalang kayo. " malungkot na ang boses ni yabang.

Tumingin muna siya kay Thania pero yumuko naman si Thania sa tingin niya. Mukhang may nang yayari dito ah.

Umalis na si sedrick at Trishia.

" Bro. Mukhang marami kang ikukwento sa akin ah " sabi ko.

" anong ako? Baka ikaw " natatawang sagot niya. Langhiya naman oh.

Pumunta na kami sa kotse ni matthew.

" Ako na ang mag dadrive! " pag pepresinta ko. Agad naman ihinagis sa akin ni Matthew yung susi niya.

" Oy! Muntik mo na magalusan ang gwapo kong mukha " sabi ko.

" gwapo? Manahimik ka na nga lang diyan at mag drive. Pumasok na kami. Ako ang Driver at katabi ko si Matthew. Nasa likod naman si Thania.

Habang nasa byahe kami.

" bro, hindi mo man lang sinabi sa akin na ano kayo ni Trishia. Akala ko ba bestfriend? " painosente tong si matthew.

" siraulo ka talaga. Nakulong lang kami doon. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya doon eh. " depensa ko.

" ako alam ko. " biglang sabat ni thania sa likod. Napalingon si matthew. Ako naman tiningnan ko lang siya sa salamin.

Umiiyak siya.

" kasalanan ko yun eh.."

" kung hindi dahil sa akin edi sana hindi siya nakulong dun sa court..lagi nalang ako ang may kasalanan.." umiiyak siya.

" thania. Hindi mo yun kasalanan " pag papagaan ng loob ni matthew.

" hindi? Pero bakit parang ako yung sinisisi ni sedrick " umiiyak siya.

" damn! " sabay sipa sa harap ng sasakyan.

" oy, brad easy baka masira tong sasakyan mo. Mahal kaya to " sabat ko.

Sumama nalang ang tingin niya sa akin.

Saktong nandito na kami sa bahay nila Thania.

" nandito na tayo " sabi ko.

Bumaba si thania. Wala man lang siyang sinabi. Goodbye? O thank you man lang? Sa ingay ng bunganga niya ngayon lang siya nakita kong tahimik.

Hindi ako sanay.

Pinaandar ko na ang kotse. Napaka tahimik sa loob.

" bro, ano bang problema " pagbasag ko ng katahimikan.

" tang*na kasi bro. Bakit kasi si sedrick pa yung nagustuhan ni Thania kahit na sinasaktan lang siya ng gag*ng yun. " naiiyak siya sa galit.

" ang saklap naman kasi ni tadhana eh! Sinaktan pa si Thania. Pinagtagpo pa sila ni sedrick. Kung hindi lang talaga ako nalayo kay thania edi okey siya ngayon. Masaya kami " naiiyak niyang sabi.

" bro, lahat ng nang yayari ngayon may dahilan "

" damn! Siguruduhin lang yan ng tadhanang yan na acceptable yung reason niya! " galit siya.

Natahimik ulit kami.

" ihinto mo " sambit ni matthew.

" ha? " napalingon ako sa gilid ko. Ang Nakita ko ay isang bar.

Bumaba si matthew. Bumaba nalang din ako.

" bro hindi ito ang solusyon diyan " sabi ko habang hawak ang balikat niya.

" hindi. Chen! Saglit lang oh, give me time para mawala yung sakit. " inalis niya ang kamay ko sa balikat niya. At pumasok siya sa loob.

Siguro kailangan niya lang talaga ng time. Sige i will give you time matthew.

I will set you free

___________________________

Awwws please naman po read my story :(( please? Pa vote na rin po. And comment hindi po ako magagalit kung may problem sa story ko. I accept my own mistakes :)

Read. Vote. Comment.

akemi-yu darkvioletroses begasodanielle timangnababae

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon