C13: Confession

157 9 0
                                    


Thania's POV

Naglalakad ako, kasama ko sila sedrick at matthew ngayon. Ang akward masyado. Feeling ko sa tuwing magtatama ang mga mata nung dalawa magkakaroon na ng world war 3.

" okey ka lang ba? " tanong sa akin ni matthew.

" diba halata?! " sarcastic kung sabi. Natural. Kanina pa ako nag aalala kay Trishia. Okey lang kaya sya. Tapos isa pa sila.

" kasalanan ko kasi to eh.." lumungkot tuloy ako.

" ...kung hindi dahil sa akin edi sana kasama natin ngayon si Trishia, " malungkot na ako. Totoo naman kasalanan ko to. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa galit.

" wag ka mag alala. Nandito nga tayo diba para hanapin siya? Mahahanap natin yun " sabi ni sedrick.

" oo tama si sedrick, wag ka nang sumimangot pumapanget ka tuloy " napa ngiti ako.

" sabagay, hindi ka nga pala maganda . " pang aasar niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Tapos hinampas. So he mean panget ako ganon?!

" ano sabi mo?! " pag susungit ko.

" hindi ka maganda kasi sobrang ganda mo " gezzzz. Tumaas balahibo ko duon. Napaka lamig ng boses niya.

" oh. Bat ka namumula? " pang aasar niya. Shit! Sino ba kasing hindi mamumula sa sinabi niya. Enebe.

" kinilig ka no? " putcha!

" hindi no. " sabi ko.

" Halina kayo. Gabi na, nandito tayo para hanapin si Trishia diba? " seryosong sabi ni sedrick. May problema ba siya, kanina ko pa kasi napapansing umiiwas siya sa akin.

" si matthew kasi! " sabi ko. Tumingin siya ng napaka seryoso. Nakakatakot pala siya kapag seryoso.

Naglakad na siya. Sumunod na lang ako.

Oo nga pala. Andito kami para hanapin si Trishia. Hindi para kiligin ako.

Hinabol ko siya.

" sedrick! " sabi ko.

" oh? " cold niyang sabi.

" may problema ba? " tanong ko.

" wala " tipid niyang sagot.

" weh? Sigurado ka, napapansin ko kasing kanina ka pa umiiwas sa akin. May problema ba? " tanong ko.

" Damn! Thania?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala. " tinaasan niya ako ng boses. Naiiyak tuloy ako.

" sorry.." biglang sabi niya. Pinapatahan niya ako.

" kasi naman, nag aalala lang ako kay trishia, baka na pano na siya. Sorry at sayo ka pa nailabas lahat ng emosyon ko. " sabi niya.

Naiintindihan ko naman siya. Halata namang si Trishia ang gusto niya. Nag aalala lang sya. Kasalanan ko kasi to eh. Lagi ko namang kasalanan lahat.

Tumigil na ako sa pag iyak.

" sorry din kung hindi dahil sa akin edi sana-- " naputol ang sasabihin ko.

" Ssssshh.. wala kang kasalanan. Walang may gusto nito " ngumiti na siya.

Naglakad siya palayo sa akin. Sabi na nga ba si Trishia ang gusto niya mga kislap pa lang sa mga mata nilang dalawa kitang kita mo na. Ang sakit lang. Nasaktan na nman ako. Buti na lang di ko pa inamin sa kanya na gusto ko siya, kung hindi pangatlong rejection ko na ito.

......

Matthew's POV

Nakikita ko siya ngayon kasama niya si sedrick. Hinayaan ko nalang muna sila na mag usap. Nasa likod lang nila ako. Pinapakinggan ko silang dalawa.

Rejected [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon