marcus POV
antagal na naman ni marie umuwi kasi kasama nanaman nya si harvey duckling as usual.
napagod na din ako kakasunod sa kanilang dalawa kaya eto direcho uwi na ako lagi.
kanina traffic, halos walang galawan ung mga sasakyan hanggang matapatan ko ung isang tindahan at si marie agad naisip ko kaya eto bumili ako ng tinda nila
pag uwi ko tinanung ko ung katulong nila kung nakauwi na sya pero wala pa daw kaya umuwi muna ako sa amin saka nahiga ako sa kama ko katabi ung binili ko kanina.
nagising nalang ako ng marinig ung sigaw ni marie.
"MAAAARCUUUS!!"
napabangon ako bigla dahil sa tili nyang nakakarindi!
"aizt! ano bang problema mo!bukod sa lagi mong tinatadyakan ung pintuan ko pag pumapasok ka dito. lagi ka pang naka sigaw!"
kunot noo kong sabi.
hindi sya sumagot ng bigla syang sumampa sa kama ko.
"marcus akin to diba?"
sabi nya habang yakap yakap ung binili kong gitara para sa kanya.
nakahalukipkip ako sabay sabi
"anung sayo?baliw ka ba? kay bianca yan!binili ko para sa kanya"
kulay pink yung gitara kaya alam na alam nyang sa kanya yun.
mahilig kasi sya sa pink kaya naisip ko na bigyan sya para naman di nya sabihin na puro pang aasar lang ung alam ko. Saka matagal na nyang pangarap yan kaya alam kong magiging sobrang saya sya pag binigyan ko sya nito.
"ikaw ang nababaliw. mag isip ka nga ng magandang palusot sa tingin mo ba mag gigitara ung 3yearz old! eh basta sakin to!"
pagmumuryot nya habang yakap yakap pa din ung gitara ns binili ko para sa kanya.
Wala na akong nagawa, ayoko naman sirain ung mood nyang masayang masaya kaya nginitian ko na sya
"ou na sayo talaga yan.. di ka ba magte thank you?"
Ngumiti lang sya ng wagas at
nabigla nalang ako ng bigla syang pumunta sakin at yakapin ako ng mahigpit.
"salamat marcus." habang nakayakap sya sakin bumilis tibok ng puso ko ewan ko kung bakit.
hindi din naman to ung unang beses na niyakap nya ako. Kinikiss nya pa nga ako madalas sa pisngi pag tuwang tuwa yan eh
Pero lalo pang bumilis tibok ng puso ko nung narinig syang humihikbi
kumawala ako sa pagkakayakap nya saka tinignan sya
"bakit ka umiiyak?"
tanong ko habang pinupunasan ung luha nya sa kanang mata
BINABASA MO ANG
Gitara
Teen FictionMagkababata kami, magkasamang tumanda, naging mag bestfriend at kasabay ng paglipas ng panahon unti unti ako nahulog sa kanya. sasaluhin ba nya ako? matututunan kaya nya akong mahalin? Maniniwala kaya sya na ang isang tulad ko ay may karapatan din...