chapter 20

228 3 3
                                    

marcus POV

mula nung dumating si sandy lagi na kaming magkasama.

syempre namiss ko din to nuh

3weeks na ganito routine namin pagkagising ko, lagi ko na syang kasabay mag breakfast,lunch,miryenda at dinner.

pag weekends o minsan nga bigla bigla nagtetext o tatawag na nasa mall gusto manuod ng sine,magpapasama mag shopping,kakain sa labas.

nawawalan na nga ako ng oras kay marie panu napupunta lahat kay sandy

pag naman papasok kami sa school kesyo maaga daw pumasok o tulog pa.

pag naman uuwi na itetext ko sya na dadaanan ko sya pero lagi nyang sinasabi na kasama nya si fam gumagawa ng school works o may girl bonding

pag naman magkakasalubong kami ngitian lang kasi madalas madaling madali sya pumasok ng bahay tumatakbo pa.

pag naman gusto ko syang puntahan pinipigilan naman ako nitong si sandy ang laging sinasabi

"ngayon na nga lang tayo nagkikita tapos iiwan mo pa ako lagi mo naman na nakakasama yan eh. hayaan mo nalang sya"

kaya ayun wala magawa

3weeks ng ganito ang nangyayari

namimiss ko na yung prinsesa ko.

di ako manhid alam kong iniiwasan nya ako


minsang nasa kwarto ako,pumasok si mommy.. salubong ung kilay at parang galit

"marcus mag usap nga tayo"

napaupo naman ako mula sa pagkakahiga

"sige po mommy anu un?"

Tanong ko kay mommy na halatang halata sa ichura nya ung nagagalit o naiinis sa akin

"anung meron sa inyo ni sandy?"

nagulat naman ako.

si mommy kasi ung tipong di nakikielam tungkol sa buhay pag ibig ko, wala sa kanya kung madami mang akong girlfriends pero bakit bigla syang nagtatanung at bakit patungkol pa kay sandy.

"mommy naman.bakit mo natanung un?"

bigla tumaas ung boses ni mommy

"tinatanung kita ng matino kaya wag moko sasagutin ng patanong!"

Sigaw nya sa akin ng nagagalit.

Bata pa ako nung huling nagalit sa akin si mommy, nun ay noong nadapa si marie habang nagpapahabol ako sa kanya at imbis na tulungan ko ay pinagtawanan ko pa. Matagal ng panahon yon kaya nagulat ako sa nangyayari

"mom.bakit galit ka? alam mong magkaibigan kami mula pa nung bata diba."

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon