chapter 3

377 12 2
                                    

marcus POV


"iloveyou marie" sabi ko habang naglalakad kami sa seashore.

"alam ko, kahit di mo sabihin ramdam ko na mahal moko. sa tagal nating magbestfriend imposibleng wala ni isa satin na ma fall." 

tinignan ko lang ung mukha nya na masaya habang sinasabi ung mga salitang yun.

Ilang sandali ay nagsalita syang muli

"alam mo marcus akala ko ako ung una mafafall kasi lagi mo akong pinagtatanggol at lahat ginagawa mo para sakin pero eto ikaw pala ung unang magcoconfess."

Malambing nyang sabi habang nakatingin sa malayo.saka ko hinawakan ko ung kamay nya.

"dadating kaya ung time na mamahalin mo din ako?"

Tanong ko sa kanya nang bigla kaming napatigil sa paglalakad. Dahan dahan syang humarap sa akin ng naka ngiti at niyakap ako

Ramdam na ramdam ko yung higpit ng yakap nya sa akin. Ung parang ayaw nya na akong mawala.

Matagal tagal din kaming magkayakap at nung kumawala sya sa pagkakayakap sakin at magsasalita na ay


NAGISING NA AKO BIGLA

Para akong nabadtrip na kung ano.

Para bang nabitin ako o sadyang di ko gusto ung panaginip kong napakagulo.

Biling ako ng biling sa kama ko at isip ako ng isip bakit napanaginipan ko yon kasi since birth eto lang ung panaginip ko between marie and I na napaisip ako ng todo saka parang na curious ako sa isasagot nya.

Kadalasan kasi napapanaginipan ko lang ung ginagawa naming pagbubugbugan, kaladyaan o pag inaasar asar ko sya pero to magla loveteam kami sa panaginip ko.

teka wala naman akong feelings for her instead sa pagiging little sister at bestfriend. un lang. ahm ou un lang wala ng iba.

Napahawak nalang ako sa noo ko dahil iniisip ko kung paano nangyari na ganun ung panaginip ko nang maya maya ay nagulat ako ng biglang bumukas ung pintuan kwarto ko

Kinamot ko ng mairiin ung ulo ko dahil dis oras ng gabi may unexpected akong bwisita.

"anu ba yan naka boxer lang ako marie lumayas ka dito!! saka anung oras na ah.anu nanaman naisip mo kaya nambubulabog ka nanaman!!"

Sigaw ko kay marie habang kinukumutan ko ung buong katawan ko.

"wag ka mag alala di kita hahalayin. Kaarte mo!! Kala mo naman mamanyakin kita. Saka di ka yummy kaya wag kang mag expect na pagnanasaan kita!! Kung makapagsalita to kala mo di ako kilala"

Sigaw nya saka sya tumalon papunta sa kama ko

"dumasog ka jan! Di ako kasya!!"

Sigaw pa ng batang luka luka kaya dumasog ako ng konti. Enough para maka higa sya

"konti pa!!!"

Sigaw muli nya habang tinutulak ako padasog ng kama

"ano ba!!! Mahuhulog nako! Kakapiraso ka lang kala mo kalaking tao mo para padasugin ako! Dun ka sa sahig at malaki laki don!!"

Sigaw ko din saka ko tinakpan ung tenga ko at mariin na pumikit.

Jusko naman napanaginipan ko tapos andito na ngayon sa tabi kong sigaw ng sigaw na akala mo nasa kabilang baranggay ung kausap.






GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon