chapter 25

231 4 3
                                    

marie's POV

hay eto nanaman ang mahabang pila sa enrollment.

natapos na kasi ung 1st sem kaya panibagong enrollment na naman at dahil wala si marcus, ang kasama ko ngayon si fam

"teh nagugutom na ako haba pa ng pila"

Sabi ko habang tinatanaw pa kung pang ilan pa kami sa pila dahil napakadaming nakapila na halos sama sama na

Di ko naman kasi maintindihan sa iskwelahang to na naturingang private school pero pinipilahan ung registrar na akala mong blockbuster movie

sumagot sya ng matamlay habang tinitignan ung mga forms na hawak nya.

"la tayong magagawa napakalaki netong school di naman ubra iutos kasi andameng pirma pirma"

tumango lang ako

hay nakakawalang energy nakakapanlamya



pero nabuhay bigla ung dugo ko ng may makita akong lalaking nakatalikod na nakapila sa registrar

bulky ung katawan,matangkad at maputi tapos ganun na ganun ung buhok kay ...



"MARCUS?"

bigla naman parang nagka energy si fam.

"ha? anung marcus?"

nilingon ko sya

"si marcus un di ako pwedeng magkamali"

saka ko tinuro ung direksyon nya

"teka pupuntahan ko sya"

Sabi ko at habang naghahanap ako ng lulusutan ko sa dami ng tao dito ay napansin kong parang bigla naman syang naging aligaga

"ahm hindi sya yan ahm si ano yan! si ahm si pablito dominador yan ou tama ung ahm tropa ng kapitbahay namin yan. engineering ung course"

sinasabi nya yun habang pilit akong tinatalikod dun sa kamuka ni marcus

"para kasi syang si marcus eh.pupuntahan ko para mas makasigurado"

Sabi ko saka ako naglakad pero bigla nya ako hinatak.

"ayokong ipagreserve ka ng pila.gusto mo bang umulit tayo dun?"

sabay turo sa dulo ng pila

"whuu ayoko na nuh."

Abay halos di ko na nga makita kung san ung dulo ng linya tapos babalik kami don hay nako

"oh diba kaya wag ka na pumunta dun to check kung si marcus un saka think of it. bakit mapupunta si marcus dito eh sa ibang school sya nag aaral hindi naman dito."

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon