marcus POV
nakakainis talaga magkaron ng bestfriend na mas isip bata pa kesa kay bianca. ung kapatid kong 3 years old
di ko mawari kung may saltik o nakawala sa mental ung babaeng yon.
nga pala ako si marcus.magbestfriend na kami ni marie mula pa nung sanggol sya ok diba
kasama akong parang nag alaga sa kanya. mula pagkabata hanggang ngaung dalaga na sya pero isip bata parin.
wala kasi syang kuya, ung ate naman nya nasa abroad kaya mag isa lang sya ngayong anak na kasama ng mga magulang nya.
kuya slash bestfriend slash driver slash alalay kung ituring ako nyan.
mula noon pa man saka wala naman akong choice eh parang pinanganak ako para pagsilbihan sya.
Pero kahit na ganyan yan sweet and caring yan mabait,masipag,magalang at physically perfect.
ung tipong every man's dream kaya pag magkasama kami di ako makaporma sa mga chiks kasi iniisip nila na girlfriend ko to. well wala naman kaso dun pero sayang din kasi ung chiks oh. hay sabagay sanay na ako
by the way hindi naman sa nagyayabang ako pero i have the looks and the body. kaya nga madami akong nagiging girlfriends.
maganda boses ko. i know different instruments pero ung pinaka paborito ko ay ung mag gitara.
naalala ko pa nun gustong gusto talaga ni marie matuto mag guitar pero ayoko.
jusko dahil sa kaberatan,kabaliwan at saltik nun ramdam ko ng baka duguin ako sa pagtuturo nun
nandito ako ngayon sa tapat ng school nya uwian na kasi nila at dahil napakabait kong kaibigan, sinusundo ko sya at eto after 50yearz dumating na.
"hi marcus. kanina ka pa?"sabi nya habang palapit sa akin
"di ba ovious?"
Sarcastic kong sagot saka kinuha ung gamit nya at naglakad papasok ng kotse ko.
tamang tanong lang nya grabe, alam nyang mas maaga ng 1hour ung uwian ko kesa sa kanya tapos ganito magtanong
"hoy hintayin mo naman ako!"
Sigaw nya mula sa likod ko
"napaka kupad kumilos eh kakapiraso lang naman sana"
Saka sya biglang sumulpot sa harapan ko ng patakbo at nakipag unahan pa sa pagpasok sa loob ng kotse.
"okey first!!! Woot woot"
Sabi nya habang pinapalakpakan ung sarili nya sa napakalaking achievement na nagawa nya.
Saka naman ako nagsalita ng inis na inis
"wow napakagaling mo marie. Iilan lang nakakagawa ng ginawa mong yan. Congrats ha!!"
Saka sya ngumiti at nagpasalamat ang luka luka
"nga pala daan muna tayo sa bookstore bibilin ko lang tong libro namin" sabi nya habang nagsusuklay sa tabi ko
BINABASA MO ANG
Gitara
Teen FictionMagkababata kami, magkasamang tumanda, naging mag bestfriend at kasabay ng paglipas ng panahon unti unti ako nahulog sa kanya. sasaluhin ba nya ako? matututunan kaya nya akong mahalin? Maniniwala kaya sya na ang isang tulad ko ay may karapatan din...