marcus POV
hay di ako makatulog mayat maya kasi umuubo si marie.
nakaka awa ung lagay nya.
Magkatabi kaming natutulog ngayon dahil sabi ko nga ay ako ang mag aalaga sa kanya.
Nakatalikod sa akin ang higa nya habang ako naman ay nakatagilid din habang pinagmamasdan lang sya.
tinanong ko sya habang hinahagod ung likod nya dahil sa grabeng pag ubo
"kaya mo pa ba?dalhin na kita sa ospital?"
umungol sya ng parang sumasang ayon kasi nahihirapan na syang magsalita.
" dadalin na kita sa ospital at baka kung ano pa ang mangyare sayo!"
di na ako nagbihis at agad ko na sya binuhat at dinala sa loob ng kotse.
di na ako nakapag isip ng matino dahil dire direcho nalang ako sa pagdadrive ni hindi ko na naisip na sabihin kay tita at mommy na dinala ko sa ospital si marie
patuloy parin sa pag ubo si mikaela habang nasa daan kami.
hinawakan ko yung kamay nya
"konting tiis nalang mahal"
oops.ano ung sinabi ko? waah masyado na akong natataranta.
sana di nya ako naintindihan.
after 10minutes nakarating na kami.
pumasok ako sa emergency room habang buhat ko sya
" excuse me! Excuse me po! asan ang doktor!?"
Andaming tao ngayon sa emergency room dahil parang may grupo na naaksidente na silang ginagamot ng mga doktor.
Naka ilang tanong na din ako sa mga tao don kung asan ang mga doktor at kung san pwedeng dalin si marie para makahiga
Pero napakawalang kwenta ng ospital ngayon, bakit walang nag aasist samin
"miss asan ung mga doktor hirap na hirap na syang huminga oh tulungan nyo naman ako"
Sabi ko sa babae sa gilid ng registrar
Saka sya nagsalita
"sir i fill up nyo po muna tong form"
saka nya inabot ung papel
di ko sinasadya na maibato pabalik sa kanya ung papel
"are you out of your mind? may pasyente akong dala tapos pafi fill up mo pa muna yan sakin.!"
yumuko lang yung babae. so pathetic
maya maya may dumating ng mga doctor at inihiga ko na si marie sa stretcher
"doc pagalingin nyo po sya. Please."
Sabi ko sa mga doktor habang inaasikaso si marie na namumutla na
BINABASA MO ANG
Gitara
Teen FictionMagkababata kami, magkasamang tumanda, naging mag bestfriend at kasabay ng paglipas ng panahon unti unti ako nahulog sa kanya. sasaluhin ba nya ako? matututunan kaya nya akong mahalin? Maniniwala kaya sya na ang isang tulad ko ay may karapatan din...