marcus POV
nakakainis bakit ba humantong sa ganito.
ayaw nya ako paniwalaan
Napasuntok nalang ako sa pader ng kwarto ko
"marie anu ba!!! Paniwalaan mo naman ako oh. Di totoong mahal ka ng taong yon!!"
Sigaw ko habang sinusuntok ko pa din ung pader hanggang sa mapaupo nalang ako hawak ung kamay kong may bahid na ng dugo.
kinabukasan nakita ko ulit sya sa terrace nila kaya agad ko syang pinuntahan
Hindi na pupwedeng maging kampante ako na hindi nalalaman ni marie ang totoo
"marie pinagpupustahan ka lang ni harvey at nung ex mong si jerome!!"
Sigaw ko habang sya naman ay naka titig lang ng masama sakin ng walang sinasabing kahit ano
"bakit ba ayaw moko paniwalaan!!? diba tinext kita na kaya ko binugbog si harvey ay dahil nga niloloko ka lang nya! gusto nya tayong gantihan kahit wala ka naman kasalanan"
Sigaw ko sa harapan nya pero sya wala namang ibang tono ung salita nya ng sumagot sya
"di nya magagawa sakin yun"
sabi nya habang nanlilisik ung mata nyang nakatitig sa akin
Hanggang sa halos mapaluhod na ako dahil ayaw nya talaga akong paniwalaan
"maniwala ka sakin parang awa mo na! ayokong masaktan ka kaya iniingatan kita"
Saka ko hinawakan ung mga kamay nya ngunit binawi nya lang din ito bigla.
"bestfriend lang kita. hindi kita tatay para maging over protective ka at wala kang karapatan pakielaman ako! matanda na ako. may sarili akong isip. dont treat me like a kid. wag mo na akong papakielaman kahit kailan!"
Saka sya tumayo sa kinauupuan nya at pumasok na sya sa bahay nila. Balak ko pa sana syang habulin pero hindi ko kayang tumayo dahil ang bigat at napakasakit ng mga sinabi nya
nasaktan ako masyado kaya umuwi nalang ako at nagkulong sa kwarto ng ilang araw
Hanggang sa di na ako pumapasok sa school.
bakit grabe ung impact sakin nung mga sinabi nya?
bakit ganito ka oa ung feelings ko?

BINABASA MO ANG
Gitara
Roman pour AdolescentsMagkababata kami, magkasamang tumanda, naging mag bestfriend at kasabay ng paglipas ng panahon unti unti ako nahulog sa kanya. sasaluhin ba nya ako? matututunan kaya nya akong mahalin? Maniniwala kaya sya na ang isang tulad ko ay may karapatan din...