chapter 12

246 3 0
                                    

marie's POV

"mommy asan si marcus?"

tanung ko ky mommy habang nakahiga ako, kagigising ko lang kasi tapos wala si marcus nung iginala ko ung tingin ko sa kwarto ko

"ahh umuwi muna sya, may kukunin daw sya sa bahay eh."

Sabi ng mommy ko habang nag aayos ng mga damit ko.

hay mas komportable pa ako nung andito si marcus, mula kasi bata ako mas madalas ko pa syang kasama kesa sa magulang ko.

Habang nag aayos sya ng mga damit ko aybmay kausap ngayon si mommy sa phone at narinig kong aalis nanaman sya pag nakalabas ako ng ospital.

Saka sya biglang napahinto sa pakikipag usap nya sa phone at nagsalita

"oh eto na pala sya eh,  sige marie mauna na ako kasi hinihintay nako ng tita mo sa parking lot."

Pagpapa alam ni mommy saka ako hinalikan sa noo at umalis na.

Kahit na nakakatampo dahil umalis agad ung mommy ko na syang dapat nag aalaga sa akin dito at natuwa na din ako ulit ng makita ko si marcus.

"bakit dala mo ung gitara mo?"

tanung ko sa kanya habang papalapit sya sa akin

"wala lang bakit?"

Pagsusungit nya sa akin. Napaka bad dahil ayaw muna mag bait baitan habang may sakit ako.

"eh bakit nga!"

pangungulit ko ng pasigaw saka sya ngumisi

"eh nakakaboring dito diba? Walang tv walang internet kaya dinala ko to para may libangan tayo,.... Hmm nga pala gusto mo ba ng prutas?"

tumango lang ako at nagsimula na syang magbalat ng mansanas , alam nya kasing ayoko ng balat ng mansanas eh.

Tinitignan tignan ko lang si marcus habang nag babalat ng mansanas. Career na career nya ung ginagawa nya kasi masyado syang seryoso, walang emosyon ung mukha at di ako kinakausap ng ilang saglit na para bang may malalim syang iniisip.

tahimik lang kami parehas ng bigla syang magsalita

"alam mo dapat si harvey ung anditong naka swero eh hindi ikaw. bakit kasi pinigilan mo pa ako resbakan sya eh..damay damay na tuloy, matagal na akong di nakakapasok sa school namimis na ako ng mga girls dun."

saka sya tumawa ng malakas pero nung tinitigan ko sya ng masama ay  bigla sumeryoso ung muka nya

"anu ba kasi ung dahilan bakit ka tumakbo sa ulan!"

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon