Chapter 32 Confrontation

87.5K 2.1K 297
                                    

Chapter 32
-------

Lance POV

--

Hindi nga ako nagkamali alam kong may gagawin talaga yun si kuya Erik. crp.

Ano ba talaga ginawa nya kagabi kay Sarah!?

"Kuya Lance ayos ka lang dyan? Kanina ka pa bwisit na bwisit dyan ang aga-aga." sabi ni Chad.

Bwisit talaga ko.

"Pabayaan mo nga ako."

"Sige bahala ka lang dyan." Sagot nya.

Dapat talaga hindi ako pumayag na iwan sa kwarto niya si Sarah malay ko bang kung ano ang iniisip ni Kuya Erik.

Hindi ako mapalagay I badly need to talk to him. Ipaliwanag nya sakin kung ano ang nakita ko kanina kung hindi, talagang.....

"AUURGGH!" It's so frustrating!

"Ano ba yan kuya Lance?!"

Tiningnan ko naman si Chad ng matalas.

"Para kang baliw noh? Ang ganda ganda nang araw ko ikaw naman para kang may sira sa utak ngayon kuya. Gusto mo bang tawagan ko si kuya Zac ng macheck-up ka?"

HA.. Sira sa utak...

"Baka gusto mong ako ang sumira sa utak mo?!"

susuntukin ko tong mokong na ito kapag napikon nako.

"Geez... Chill lang kuya. Ano ba yang problema mo?"

Problema ko? Si kuya Erik at kung ano man ang ginawa nya.

"So hindi mo din naman sasabihin. Great." sabi ni Chad sabay higa sa couch.

"Its non of your business afterall."

"Ok~ I don't mind."

Nasaan ba ngayon si kuya Erik.

"Saan ba si kuya Erik ngayon?"

Tanong ko kay Chad na busy sa kakapindot ng cellphone.

"Office."

"anong oras sya babalik?"

"Maybe sa hapon na."

"Wala ba syang break? Mamayang tanghali?"

Tapos tumingin sakin si Chad na parang sya naman ang inis.

"Seriously kuya Lance? tinatanong mo ko ng mga bagay-bagay nayan? Hindi po ako asawa ni kuya Erik."

This little sht. May sinabi ba kong ganon?!

"Shut up. Chad Rick may gagawin ka ba mamaya?"

"Oh so ako naman ngayon.haha Well wala."

Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakakausap si kuya Erik at ewan ko kung ano na naman maiisip ko kapag nakita ko ulit yung kanina kaya hindi ko masasamahan si Sarah mamaya.

"Samahan mo si Sarah sa dogshow mamayang hapon sunduin mo sya galing sa school alam nya naman kung saan ang venue."

Mabuti nang may kasama si Sarah kesa wala.

"Really? Sige ba walang problema." masiglang tugon ni Chad.

"then I'm leaving kailangan ko munang pumuntang studio."

Hindi pwedeng maghapon akong mag-iisip sa nakita ko, mababaliw lang ako kung ganon. Pag nag usap na kami ni kuya Erik I can clear things out.

He better explain himself.

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon