Chapter 41-------
Sarah's (POV)
----
Agad kong pinuntahan si Mommy sa kwarto nya pagdating namin ng bahay.
Nang makita nya ko, agad nya kong niyakap at napahagulhol nalang sa iyak.
"Mommy what's wrong?"
Alam kong hindi ako sakanya nakapag paalam pero bakit mukhang nakidnap na ko kay Mommy.
"Sarah, nag-alala talaga ko. Akala ko kukunin ka na ng Lola mo sakin." She said between her cries.
"Mommy naman, bakit naman yun gagawin ni Lola. Isa pa hindi ko kayo iiwan ng ganun nalang. Please Mommy tahan na po."
"Its so good to see you back. Anak hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi kita makikita ulit."
"Its ok Mom. I'm here... Tahan na tingnan mo na yan your face is all red of crying." Pinunasan ko ng panyo ko si Mommy.Geez.. Pati ko ninenerbyos na kay Mommy. Sanay naman ako na ganito so Mommy mag alala pero bakit pagdating kay Lola eh para bang kung pwede lang ayaw nya nakong ipakita. Though gusto nya din na maging close kami ni Lola.
Ang gulo eh.
Nang matigil na si Mommy sa kakaiyak medyo na mutla ang mukha nya which made me worry.
"Mom dito ka lang ikukuha kita ng tubig." Sabi ko sakanya
At nag nod nalang si Mommy at binitawan ang kamay kong hawak nya.
Paglabas ko ng room nasa gilid si kuya Chad.
"Sarah kamusta si Mommy Yhel?" Tanong ni kuya Chad.
"I guess I made her worry a lot. Ikukuha ko lang sya kuya Chad ng tubig." Sabi ko
"I'll see her then." Sabi naman ni kuya Chad at pumasok sa room.
Pagpunta kong kusina nadaanan ko si kuya Zac at kuya Erik sa may dinning table.
Didiresto na sana ako papuntang kusina nang magsalita si kuya Zac.
"Are you stupid or what?" Sabi nya.
Napatingin naman ako agad. Ako ba ang sinasabihan nya?
Obviously Sarah.
"Kuya Zac I'm sorry hindi ko naman alam na magkakaganito si Mommy."
"Simple lang naman edi sana tumawag ka man lang sakanya tungkol sa pakikipagkita mo sa Lola mo." galit na tono ni kuya Zac.
"I'm sorry."
Kasalanan ko na.
"Tss!. Puro ka sorry hindi mo alam kung gano kami nag-alala kay Mommy na hindi na namin alam kung anong gagawin!"
Tapos biglang tumayo si kuya Erik.
"Kuya Zac! Tama na. Wag mong naman pagsalitaan ng ganyan si Sarah."
Its ok kuya Erik hindi mo ko kailangang tulungan. I deserve this.
Magkaharap si kuya Zac at kuya Erik kanina sa table pero ngayon in between na namin ni kuya Zac si kuya Erik.
"Itong tatandaan mo Sarah hindi nalang ikaw ang mag-aalala para sa Mommy mo ngayon. Kaya isipin mo naman minsan kung sino ang pwedeng maapektohan!" Sabi ulit ni kuya Zac.
"Kuya tama na! Pwede ba wag mo syang sigawan?!" pakiramdam ko galit na din si kuya Erik.
"Tss" yun lang at tinalikuran na kami ni kuya Zac.
BINABASA MO ANG
My Five Stepbrothers and I
RomanceHaving very loving and caring brothers isn't bad at all. "They say" . But yet something is just quite unexplainable when it comes to my life. Yun bang inakala mo na madali lang magkaroon ng mga kapatid na mas matanda sayo dahil may mag aalaga at mag...