Chapter 10 Cute

139K 3K 155
                                    

Chapter 10

Erik's (POV)

*yawns*

5:30 am na pala, buti pa bumangon na ko.
Pagbangon ko napansin ko na nasa sala pala ako nakatulog at sa lap pa ni Sarah.

Hindi kaya nangalay siya sakin? Nakatulog na pala ako ng diretso nun. Kawawa naman tong little sister ko.

At dahil alam ko na may pasok pa sila ngayon minabuti ko na ipag-handa ng maaagahan si Sarah, nakakahiya naman kasi kagabi. Baka hindi pa siya nakatulog ng maayos.

"Good Morning, Sir Erik gusto nyo po bang ipag handa namin kayo ng ma-aagahan? Ano po ba ang gusto ninyo?" sabi sakin ng mga katulong namin na laging maagang gumigising.

Hindi ko sila pinansin. Well pasensya na minsan ganito talaga ang ugali ko. Pero hindi naman lagi.
Dumiretso ako papunta sa kitchen at nandun ang mga cook namin at syempre tinanong ulit ako kung ano ang gusto ko pero sinabi ko nalang sa kanila ako ang gagawa ng breakfast kaya hinayaan nalang din naman nila ako.

Gumawa lang ako ng oatmeal cottage cheese pancakes tapos fresh milk para kay Sarah, ayoko naman kasi na mag kape siya. Pagkatapos nag hain nako sa table.

Papunta na sana ako sa sala para gisingin siya pero nagising na pala siya.

"Good Morning kuya!" bati niya sakin

''Ah, Good Morning din Sarah, nakatulog ka ba ng maayos?''

"Oo nman kuya bakit? Ikaw ba?"

''Ah, ako rin naman. Kagabi lang nga ako nakatulog ng ganon ka komportable. Salamat.'' Yun yung nasabi ko. Ewan ko ba pero nagiging honest lang naman ako sa mga sinasabi ko.

Bigla namang namula si Sarah, anong nangyari?

''Ah tara Sarah nag handa ako ng breakfast.'' niyaya ko na siyang kumain baka nagugutom na ata.

"Wow, naman kuya ikaw ba gumawa neto?" tanong nya nung nakita yung nakahanda sa table.

''Ako nga, kaya sige na kumain ka na at baka malate ka pa.'' nginitian ko nalang siya tapos pinaupo ko na.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam sakin si Sarah na babalik na siya sa kwarto niya para maka paghanda na sa pagpasok.

Bumalik naman ako sa sala para manuod muna ng mga morning news, tutal wala naman akong pasok ngayon sa Office ni Dad.

Mga ilang sandali lang rin nagising na din sila Chad, Andrew at kuya Zachary. Kasama din naman sila sa pinaghanda ko ng agahan kanina kaya ayun narinig ko agad si Chad na sumigaw pagdating sa may mesa.

"Oatmeal Cottage cheese Pancakes?? teka Abby wag mong sabihin inihanda to ng mga Cook? hahaha" si Abby yung isang katulong namin yung tinanong niya.

Hindi ko naman alam kung ano yung sinagot ni Abby, kaya nanuod nalang ulet ako. At sigurado kumakain narin yung mga mokong na yun.

Tapos makalipas ang ilang minuto, sumulpot nalang tong si Chad na parang kabute.

"Yow, kuya! Anong nakain mo at naghanda ka ng breakfast para samin? Ang sweet naman." biro nang mokong na si Chad.

''Di ba pwedeng magpasalamat nalang kayo? tss.''

"Sus! sungit naman neto ni kuya! tinatanong lang the best ka talaga pag dating sa pag luto! Oh sige aalis na muna ko. Bye!" At ayun umalis na rin yung mokong at papasok na.

Pagkatapos eto namang si kuya Zac ang dumating.

"Ano ba nga talaga nakain mo ha?" aniya.

''Ano ba naman yan kuya tinatanong pa ba yan? Syempre Oatmeal Cottage Cheese Pancakes din.''

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon