Chapter 39---------
Sarah's (POV)
------
Sumunod lang ako kay Andrew ng umalis kami sa cafeteria, dala nya yung bag ko sa kabilang balikat nya. Ang cool nya ngang tingnan.
Nakarating kami sa kabilang gym ng school, yung exclusive lang for basketball club.
Wala ngang katao-tao.
Paglapag nya ng gamit namin sa may isang bench, bigla nalang syang nag alis ng shirt nya.
Oh my god! Sarah! 😫
Agad naman akong umiwas ng tingin.
Grabe naman magpapalit lang ng damit, kailangan sa harap ko pa?
Nang mapansin kong tapos na syang magbihis I acted pretty normal.
Tapos lumapit na sya sakin.
"Hindi ka ba magpapalit?" Tanong nya.
"Ano, wala kasi kong dala. Pasensya na."
Wala talaga, nakalimutan ko nga kasi. Ano ba yan Sarah.
"may sneakers ako sa may locker maliit lang yon baka magkasya sayo. Mahihirapan ka dyan sa heels mo."
"Ah sige pwede na yon. Pasensya na Andrew nakalimutan ko kasi."
"Ayos lang. Sige wait here. Kunin ko lang madali." Tapos umalis na sya.
Sinimulan ko naring tanggalin yung suot kong heels. Kung alam ko lang kasi na may practice edi sana nag flats nalang ako.
Si Euphy din naman kasi gusto parehas ang style namin pag hindi uniform pinapasuot.Too late..
Tinabi ko sa gamit ko yung sapatos and just waited for Andrew.
Di rin naman nagtagal bumalik na sya with the sneakers.
"Here." Abot nya sakin.
Salamat naman at medyo tama lang yung sapatos. Haha nakakatuwa nga.
Habang nagsisintas ako hindi ko maiwasang mapangiti, biruin mo nagkasya to sakin.
Tapos lumuhod sa harap ko si Andrew.
"Tulungan na kita dyan. Ngiti ka ng ngiti eh." Sabi nya sabay sintas ng kabilang sapatos.
"haha pasensya na natutuwa lang ako. Thanks."
Nang matapos na. Tumayo na din sya.
Tapos tumingin sakin from head to toe.
w-wait wag ganyan
Tapos tumawa sya ng mahina.
This kid.. pati ko napapatawa na for no reason. Tingnan mo lang kasi si Andrew ngayon matatawa ka din.
"Hoy walang ganyanan Andrew!" Pigil ko sakanya.
"Ok ok. Haha sorry. Nakakatuwa ka kasing tingnan with the shoes."
"Yeah whatever."
"Ok magsimula na tayo. Marami ka pang dapat matutunan." Biglang serious mode si Andrew.
"Ok po." At sumunod na ko.
The practice went smoothly pero sa totoo lang, there's no room for mistakes kay Andrew.
"Your right feet move it a little faster." sabi niya.
"Ok sorry."
Then ulit.
BINABASA MO ANG
My Five Stepbrothers and I
RomansaHaving very loving and caring brothers isn't bad at all. "They say" . But yet something is just quite unexplainable when it comes to my life. Yun bang inakala mo na madali lang magkaroon ng mga kapatid na mas matanda sayo dahil may mag aalaga at mag...