Chapter 2
Nasa NAIA nako and as expected nandun na din sila Mommy at ang Daddy Francis ko na nag hihintay sakin.
''Welcome back iha'' Bati ni Daddy sakin sabay yakap.
''Thank you po Tito I mean- Daddy!''
''Sarah masanay ka na anak call him Daddy ok?'' Sabi ni Mommy habang niyakap naman ako at hinalikan sa cheeks.
''So shall we go home now?'' yaya ni Daddy.
''Yes of course ng makapagpahinga na ang prinsesa natin'' Mommy said.
Prinsesa nila? So it means ako lang ang anak nila? Nako naman ang swerte ko ata.
—
Naka tulog pala ako sa biyahe namin pauwi at hindi ko na pansin na hindi sa mansion namin ang pinuntahan kundi sa ibang bahay.
''Ahhm, Mom where are we?" Tanong ko kay Mom.
''Sa bahay na tayo ng Daddy Francis mo since mag asawa na kami'' Mommy replied.
''Yung mansion natin?''
''Ikaw na lang Sarah anak ang may rights doon. Since lahat ng ari-arian ng Daddy mo ay naka pangalan sayo the company, mga lupa, resorts, his other businesses, dahil ikaw lang naman ang anak namin, but dont worry I will be your right hand for those stuff since you're still young ok?'' Sagot ni Mommy ng may pagpapaliwanag.
''Okay I see. Thanks Mom.''
''Yes honey you're welcome, come let's go to your room na."
Malaki rin ang mansion gaya rin noong unang bahay namin dati but then I noticed that there were six large bedrooms in the 2nd floor and akin yung isang door na malapit sa may bababaan papuntang garden.
I asked mom if I could choose my room between those 5 dahil sa masyado naman kasing kita ang side ng kwarto ko sa garden dahil sa transparent na glass yung wall, pero at least girly ang style.
But my mom told me na occupied na yung lahat na yun at eto nalang ang natitirang vacant which Dad had personally requested to be renovated.
Occupied? Sino naman kaya ang may gamit? Mamaya ko nalang nga aalamin magpapahinga muna ko.
Pagkahatid sakin ni Mommy sa room ko naka tulog agad ako, infairness napakaganda din naman pala talaga nitong kwarto ko.
—
Na gising ako ng mga 4:30 ng hapon. Nagbihis ako ng blue skirt in which I tucked-in my blue shirt rin at syempre with a matching blue flats. Plano ko kasing mag mall at kumain sa labas.
Pagkatapos kong mag bihis lumabas na akong kwarto then I went downstairs.Habang bumababa ako ng hagdanan nakita kong may tatlong lalake sa may living area na busy sa paglalaro ng Chess board, parang yung isa taga score, ewan at dahil malayo naman sila saakin I didn't mind them so diretso ko sa door palabas pero bago pa ko makalapit sa may pintuan may biglang nag salita.
''Saan ka pupunta?''
Tumingin ako dun sa tatlo kanina pero busy sila sa laro at ang layo naman nila sakin, then I notice yung isang matangkad na lalake na naka brown polo-shirt sa may tabi ng stairs.
Siya ata yung nagtanong saakin.
''Sa labas lang po may gagawin'' Matipid kong sagot.
''Anong gagawin mo? Saan sa labas?''
Abah abah. Eto naman oh kung mag tanong akala mo media. Kung di ka lang gwapo sinagot na kita ng pabaliktad.
Teka. Sinabi ko bang gwapo?
BINABASA MO ANG
My Five Stepbrothers and I
RomanceHaving very loving and caring brothers isn't bad at all. "They say" . But yet something is just quite unexplainable when it comes to my life. Yun bang inakala mo na madali lang magkaroon ng mga kapatid na mas matanda sayo dahil may mag aalaga at mag...