Chapter 16 At Home

115K 2.4K 223
                                    

Chapter 15

--------------

Sarah's (POV)

Pag dating ko sa bahay agad naman akong pinag-buksan nang gates. Mukhang expected ata nila kong dumating. Kinawayan ko yung mga guards at nag smile. Parang mga bago ata sila, siguro nag retire na yung dati pa naming mga guards dito.

Bago pa ko makababa nang kotse ko sinalubong na ko nila Aling Lorna at nang ilan pa naming mga katulong dati.

Pag labas ko sa kotse ko agad kong niyakap si Aling Lorna. Matanda na rin si Aling Lorna, masaya ko na kahit ganon na sya nandito parin sya saamin.

"S-sarah ikaw na ba yan ija?" tanong sakin ni Aling Lorna habang hawak-hawak ang magkabila kung pisnge na para bang inaalam kung ako ba talaga yung dati nyang inaalagaan.

''Opo, Ako po Aling Lorna.''

"Jusko, tingnan mo nga naman ang panahon, napaka bilis  datirati lang eh naalala ko pa nung unang inuwi ka dito nang Mommy mo galing ospital." maluha-luhang sambit ni Aling Lorna.

"Oo, nga po eh, miss na miss ko ho kayo."

"Ako din naman ija, ay hindi pala kaming lahat dito sa Mansion nyo." habang pinapahid ni Aling lorna ang mga luha nya sa mukha.

Hinawakan ko naman ang mga kamay ni Aling Lorna upang pakalmahin sa pag-iyak. "Aling lorna naman eh.. Kakarating ko pa lang tapos umiiyak na  agad kayo.''

"Ah-hehe, pasensya na Sarah. Oh sya pumasok na tayo at sigurado kung hinihintay ka na nang iba."

Pumasok na kami sa bahay. Grabe wala parin namang pinag-bago. Hinding-hindi talaga napapabayaan kahit na wala na kaming pamilya dito.

Sinalubong ako ng ilan pang mga kasambahay. Ang iba sa kanila mukhang mga bago dito at syempre ang iba yung mga dati pang kasama nila Aling Lorna tulad nila Ate Kim at Ate Ces.

"Welcome back Miss Sarah." Sabay-sabay nilang sabi tapos yumuko.

"Salamat."

Bigla ko namang naalala na wala pala kong dalang mga gamit. Naku naman naka limutan ko.

"Ah- Aling Lorna nakalimutan ko po palang mag dala nang gamit ko."

Ngumiti naman sakin si Aling Lorna. "Naku Sarah, lahat nang kailangan mo meron sa kwarto mo damit, sapatos at kung ano pa."

Huh? (O.o) Matagal akong wala dito hindi naman kaya yun pa yung.

"Sarah, ija kung iniisip mo na yung dati pang gamit mo ang nandoon, hindi na anak lahat yun bago." sabi sakin ni Aling Lorna. Napa ngiti nga ako kasi nabasa agad ni Aling Lorna yung naiisip ko.

Agad nya naman akong dinala sa kwarto ko. At lahat talaga nandoon para bang hindi ako umalis dito.

"Aling Lorna san po ba ang mga ito galing?" tanong ko kay Aling Lorna.

"Naku ija kung alam mo lang ang Lola Vivien mo ang nagpahanda nitong kwarto mo at nag utos na bilhan nang mga bagong gamit mo."

"Ha? Si Lola?'' ngayon lang to ginawa sakin ni Lola. Halos hindi ako makapaniwala.

"Oo, anak si Madam Vivien nga, ako rin nga nagulat sa inasal ni Madam pero masaya ko kasi anak mukhang binibigyan ka na nang atensyon nang Lola mo." masayang sagot sakin ni Aling Lorna.

"Ganon po ba." hindi pa rin talaga ko maka paniwala.

''Oh, sya ija mag pahinga ka na muna at sandali lang ay tatawagin nalang kita ulit para mag hapunan." paalam sakin ni Aling Lorna. Ngumiti naman ako pagkatapos umalis na din si Aling Lorna.

My Five Stepbrothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon