-----Kazuki-----
Pagkatapos kong magparegister sa lahat ng mga school clubs na nasalihan ko, dumiretso agad ako sa classroom na matatagpuan sa 5th floor ng school building na makikita sa harapan ng senior's building. Sumakay ako sa escalator at nakarating na rin sa destinasyon ko. 10th grade class 1- A. Biro nila, basta may amnesia laging mapupunta sa special section kasi genius daw. Genius eh may amnesia nga diba? Pero yung biro na iyon ay nagmistulang totoo na pagdating sa sitwasyon ko. Hay! Dami ko nang iniisip.
Ang classroom namin ay matatagpuan malapit sa escalator. Yun nga lang nasa 7 meters ang layo mula rito.
Pumasok agad ako sa classroom at umupo sa likod na katabi nito ang bintana. Pinili ko talagang doon ako umupo para mapag-isipan ko ang mga pinapaginipan ko sa loob ng 7 months. Tumunganga lang ako sa bintana habang iniisip ko iyon.
Ang weird talaga. 7 months ko nang nararanasan ang mga weirdong panaginip. Espada at isang laro na parang isang virtual reality.
Bakit ba ako nanaginip ng mga ganoong bagay? Is it connected to my past?
Hay. Ang dami lang siguro ng iniisip ko. Parang nake-carried away na naman ako sa nararamdaman ko nang dahil sa mga iniisip ko. I just want to have a clear thought now. At isa pa, mula rito makikita ko naman ang view ng school at ng siyudad. Kaya mas gusto kong umupo dito.
*_____
Sa ngayon, nagsisimula na ang pagpapakilala ng mga kaklase ko. Hay. Ito ang pinakapaboritong parte ng mga estudyante tuwing sasapit ang unang araw sa eskwela. Introduce-Yourself-Session. Ganon naman talaga basta first day.
"Blahblahblah... Thank you." Tapos nang magpapakilala ang kaklase kong lalake. At ako na nga ang susunod. Pumunta na ako sa harap. Yung feeling na nakatayo ka na sa harap ng klase tapos lahat ng kaklase mo'y nakatingin sayo. Grabe. Parang ikaw pa nga ang ginawa nilang star of attraction sa classroom. Nakakanerbyos diba? Ok. Kapalan ko muna ang mukha ko sa sitwasyong ito. Huminga nang malalim. Labanan muna yung shyness. At heto na.
"Ako nga pala si Kazuki Kirugawa. 15 years of age. Mag-si-sixteen na ako next next week..."
And blahblahblah for more information. Ipinapakilala ko nga ang sarili ko. Ilang minuto ang lumipas, tapos na rin akong magpakilala at umupo na ulit ako sa puwesto ko. Napansin kong may isang estudyanteng panay ang pagtingin sa'kin. Pero hindi ko lang naman yun pinansin. Ano bang problema nito? Ngayon lang ba siya nakakakita ng estudyanteng nagpapakilala sa harap? O baka ninenerbyos kasi siya na ang susunod?
Pagkatapos ng 3 subject periods, pumunta agad ako sa cafeteria na matatagpuan sa ground floor ng building. Kada building nga pala may cafeteria. Kaya hindi na sila mahihirapang pumunta sa ibang building para bumili.
Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa cafeteria para magrecess. Kanina pa kasi ako nagugutom pagkatapos kong sumabak sa introduce yourself session sa classroom. At saktong naabutan ko pang bilihin ang mga paborito ko. Choco blueberry cake plus ham sandwich na nirequest ko pang lagyan ng hot sauce. Samahan mo pa yan ng milkshake na may berry bits. Yun lang sapat na.
Kasama ang mga kaibigan ko sa cafeteria. Na mga kaklase ko rin. Sa klase, nasa 42 ang population namin. Hindi ko rin inakalang kaklase ko rin yung nakilala ko sa loob ng school gymnasium sa kendo club.
Pagkatapos naming bumili ng mga pagkain, agad kaming pumunta sa pwesto namin sa may eating area. Nakalimutan ko tuloy kung anong tawag nun.
Habang kumakain, nagsisimula na naman akong makaamoy ng pagtatalo sa magpinsan. Hay. Hanggang dito pa naman?
"Uy Rhea pahingi naman ng yakisoba bread oh. Naubusan na kasi sila ng stock kaya hindi ako nakabili," wika ni Aria na tila nagpu-puppy eyes na habang nakikiusap kay Rhea na bigyan siya ng yakisoba bread. Ay mali! Hindi pala puppy eyes kundi cat eyes.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Science FictionHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...