Chapter 9:The Quest

1.8K 65 25
                                    

---Kazuki---

Ayos! Uwian na sa wakas! At isa pa, pwede na akong mag-log in mamaya sa FGO para sumali sa sinasabi nilang quest. Napapansin ko yata na sobrang bilis naman ang takbo ng oras. Hay. Talagang life is short ika nga.

Tungkol nga pala sa identity ko sa Virtual World, si Izumi pa lang ang nakakaalam. Paano na kaya kung ang barkada ko ang makakaalam? Siguro mas hyper pa iyon kesa sa naging reaksyon ni Izumi kanina sa library. Speaking of library, pagkatapos naming mag-usap, pinagalitan kami ng librarian kasi sa lahat ng lugar na pwede kaming mag-usap ng pribado eh yun pa talaga ang napili. Kasi naman, ang lakas ng boses ni Izumi sa ka-re-react niya. Kaya ayun, pinagalitan kami. Pero pagkatapos naman nun ay nilibre ko siya ng pagkain Sa cafeteria para tumahimik.

Ang tanong ko lang sa ngayon, paano kung malaman talaga ito ng barkada?

Nasa bicycle parking lot kami ng school ngayon para kunin ang mga bisikleta namin. Pero sila Rhea at Aria lang ang hindi nagbibisikleta pauwi sa kanila. May kotse kasi ang mga pusang ito eh. Mga rich kid ika nga. Mayaman kasi ang pamilya nila eh. May kompanya kasi sila sa Setagaya at CEO pa yung daddy ni Rhea, na siya namang tiyo ni Aria.

Pagkatapos kong kunin ang bike ko, lumapit agad ako kay Izumi para tanungin siya tungkol sa sinasabi niyang quest kagabi na mismong sasalihan ko mamaya.

"Izumi, matanong ko lang huh. Ano bang klaseng quest ang sasalihan natin mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti agad si Izumi dahil tinanong ko sa kaniya ang tungkol sa quest. O baka naman isang front line. Nakikita ko sa mukha niya na na-eexcite na ako para sa mangyayari mamaya. Inakala ko tuloy na sasabihin na niya ang tungkol da quest.

"Mamaya ko na lang sasabihin kapag nasa game na tayo. Baka kasi may makakarinig pa Sa usapan natin eh. Alam mo yun. May iba pang players ang gusto tayong unahan sa quest. Kaya mas mabuting Sa VR ko na lang ipapahayag mamaya." Wika ni Izumi na may halong galak sa mangyayaring quest mamaya.

Napakamot ako tuloy as ulo nang dahil sa mga sinabi niya. Medyo nacucurious tuloy ako sa mga pinagsasabi niya. Hay. The curiousity almost kills me. Ito talaga ang feeling na first timer ka sa mundo ng VRMMORPG. O ngayon lang ulit nakapasok as mundong iyon.

"O sige kung yan ang gusto mo Izumi." Sabi ko sabay ngiti Sa kaniya.

Tinapik agad ako ni Izumi dahil sumang-ayon ako mga sinabi niya. Parang secret yata ang sinasabi niyang quest kaya sa game niya yun sasabihin. O sa pribadong lugar niya sasabihin. Hhmmm... Ano bang klaseng quest ang sinasabi niya?

"Magaling kung ganon Kira--- este Kazuki. Magkita na lang tayo doon sa Main Central Tower na kung saan ka bumangga noong hindi ka pa marunong maglanding." Izumi replied with a wide grin. Wow ha. Lagi mo na lang akong pinapaalala sa nangyari doon kagabi. Pwede bang magmove on na tayo sa pangyayaring iyon?

Bago ko pa makalimutan, itinanong ko na rin kay Izumi kung anong oras kami magkikita sa Main Central Tower ng Windia's City. Baka kasi mahuli pa ako ng dating mamaya. I just want to make sure about the time kung kelan kami magtitipon para sa quest na iyon.

"Ano nga ulit yung oras ng pagtitipon natin doon sa Windia's City?" Tanong ko kay Izumi.

"7:15 ang oras ng pagkikita natin doon sa Windia's City. Hihintayin ka namin doon nina Shiro at ng iba pa. At isa pa wag kang mahuhuli ha." Masiglang sabi ni Izumi. Hay. Ayan na naman yung kahyperan niya. Siguro excited lang siya.

Sandali. Tama ba ang narinig ko? May iba pa kaming kasama sa quest? Wag mong sabihin Izumi na may sinalihan kang party? Eh isa lamang akong solo player?

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon