Chapter 10:In The Dark Satyr's Cell

1.8K 62 38
                                    

Author's Note:

Hi minna-san! May ginawa lang po akong konting corrections and revisions but the flow of the story is still the same at hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Stay tuning in guys.💞

-MysticBlackAsuna💙

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--Jirohin---

Bago ko nga pala makalimutan, magpapakilala muna ako. Siguro nakikilala niyo na ako sa real world. Pero dito sa VR o Virtual World, wala pa. Kahit mga kasama ko ngayon hindi pa nila alam kung sino ako sa tunay na mundo.

My real name outside the Virtual World is Jiroshin Nazura. But in the world of VRMMORPG, ako ay magiging si Shiro. Under the classification of Fire Fairy race, a swordsman and also known as the Blue Phoenix.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit nila ako tinawag na Blue Phoenix. At ang sagot doon ay dahil sa kulay ng aking apoy. I'm using blue flames instead of orange. At isa pa paborito kong kulay ang blue. Kaya nga blue rin ang pinili kong kulay para sa aking avatar. Pero sa totoo lang, nagsimula ang aking allias o code name noong may nakilala akong batang player. At ang batang iyon ang nagbigay sa'kin ng pangalang Blue Phoenix. Balita ko na ang batang iyon ay kilala rin sa dalawang katawagan. Black Angel at Kurohikarisenshi. Na ang ibig sabihin ay Black Light Warrior, ang isa sa mga maalalamat na sword player ng VR. At nakilala ko siya 7 years ago. Pero sa kasamaang palad, bigla na lang siyang nawala. Hindi na siya nagpapakita sa VR makalipas ang 7 years. Siguro may nangyaring hindi maganda sa kaniya. O baka naman kasama siya sa mga biktima ng hindi pa natutukoy na trahedya sa tunay na mundo. Teka parang ako na yata ang nalilito sa mga sinabi ko. Puro na lang kasi flashback eh.

Habang naglalakad kami papunta sa selda, bigla na lang nagbigay ng babala ang private pixie ni Kira.

"Makinig kayo! May mga kalaban sa daan. Mga trolls, taong butiki at iba pang mga halimaw na nakaabang sa dadaanan natin papunta sa selda ng Dark Satyr! Ihanda ang mga armas at talunin niyo ang mga halimaw sa daan!" Babala ni Riku.

Binunot ko kaagad ang aking espada para na rin maging handa ako kung sakaling may sumugod dito sa kinatatayuan namin. Ganon din ang ginawa nila. Binunot nina Sky, Kira, at Aira ang kanilang mga espada. Kumuha na ng palaso si Violet, at inihanda na rin ni Krystal ang kaniyang sibat na may malaking pointed blade sa dulo. At napansin ko lang kay Kira sa yung ginagamit niyang espada.

Tama ba yung nakikita ko? Beginner's sword ang gamit niya? Ay oo nga pala. Nakalimutan kong baguhan pa pala siya sa FGO. Pero ayon sa kanila, malakas siyang sword player at tinalo ang mga kalaban niya sa isa at dalawang sword slashes lang. At kung makikipaglaban siya ay para nang isang professional sword player. Hmmm... Kung ganon, dapat makahanap na siya ng espadang babagay sa kaniya. At isa pa, namimisteryohan na rin ako kay Kira sa ngayon.

Sa kabila ng mga iniisip ko, nagpakita na rin ang mga balakid sa dadaanan namin. Ang mga weakling na tauhan ng boss. Mga nasa level 3-5 lang sila. Sa madaling salita, madali lang silang puksain sa isang slash lang. Pero ang iba sa kanila ay may iba't ibang istratehiya para matalo rin ang isang player. Lalo na kung baguhan ka. Kailangan naming mag-ingat sa mga 'to.

Ilang sandali lang ay sumugod na ang mga halimaw papunta sa aming kinatatayuan. Yellow-eyed trolls, mga taong butiki na may kulay kayumangging balat, at iba pang halimaw ang nasa harapan namin ngayon.

Isa sa mga troll ang umatake sa'kin sa pamamagitan ng kaniyang pamalo na may mga spikes sa paligid nito. The troll swing his weapon but he missed. Yumuko kasi ako para hindi matamaan. Nang makakuha ako ng tyempo, I enhance the power of my sword until it glows in an azure color and cut the troll's body in a half. Pagkatapos ay naging debris na lang siya ng crystal at nawala. One troll down. More monsters to go.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon