---Kazuki---
"I-I-Ikaw si Jiroshin Nazura?!"
Hanggang ngayon nasa ekspresyon ako ng pagkagulat sa mga nangyayari. Kwento siya nang kwento tungkol sa Kazuki na yan--- este sa 'kin tapos may pamild blush pa ang lalaking ito?! Hindi ako makapaniwalang siya si Jiroshin! Anong gagawin ko ngayon? Narinig ko ang sekteto niya. Wag mong sabihing... Baka(stupid) Kira!
Teka. I-I-Ikaw ba talaga yan Jiroshin?
At akala ko ako lang nasa estado ng pagkagulat. Pati na rin pala si Shiro. Sa nakikita ko sa mukha niya tila para siyang nakikita ng multo. Nakatingin pa rin siya sa 'kin na sobrang gulat. Eh kasi naman, nagkukwento siya tungkol sa 'kin tapos hindi niya tinanong kung sino ako sa real world. Baka Shiro bakit hindi ka nagtanong?!
Bigla na lang akong tinuro ni Shiro dala ng kaniyang hindi-ako-makapaniwalang ekspresyon. Teka kailangan na ba naming uminom ng gamot pang maintenance?
"Teka! Paano mo nalaman ang tunay kong pangalan? Wag mong sabihing... I-Ikaw si Kazuki Kirugawa?!" Dala ng aming pagkagulay--- este pagkagulat, bigla na lang kaming napasigaw sa aming nasaksihan. Nalaman namin ang aming real identity sa isang napakatangang paraan. Wow huh. Bakit nga ba tayo sumisigaw? Dahil nasorpresa tayo at nalaman natin ang ating real world identity sa ganitong sitwasyon? At teka. Parang may naitanong din ako sa kaniya na tila ang awkward.
Eh ano ba yung sinabi mong I'll gonna tease him about his best friend? Wow Kira ang talino mo.
Baka!!! Bakit ang tanga ko? Hay. Sana tinanong ko na lang sa kaniya agad ang kaniyang avatar name bago ako mag-online sa FGO. Argh! Hindi ko na rin namalayang namutla ako. Kainis! I'm getting embarrassed because of this awkward moment!
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagsigaw nang dahil sa isang awkward moment, tila nagiging cold ako sa sitwasyong ito. Grabe. Di ko na kaya! Sa susunod magtatanong na talaga ako.
"Kazuki bakit parang namumula yata ang mukha mo?" Pagtatanong ni Shiro.
Teka ano? Ako? Namumula ang mukha?! Ano bang kasalanan ko kaya namumula ang mukha ko?! Eh nagkwentuhan lang naman tayo ah!
"Uh. . . W-Wala ito Jiroshin--- este Shiro." Pautal kong sabi na may halong taranta.
Because of embarrassment, mas nararamdaman ko pang namumula ang mukha ko. Sa totoo lang gusto ko siyang gilitan sa leeg dahil hindi niya sinabi na siya si Jiroshin. Baka! Sa sobrang tagal na nating mag-usap, hindi mo talaga sinabi ang avatar name o virtual identity mo. Sana sinabi mo na lang sa 'kin para hindi tayo umabot sa sitwasyong ito.
I immediately swipe my right hand in the air at pagkatapos ay lumabas ang window. Pagkatapos ay nag-scroll ako pababa hanggang sa makita ko ang awkward button. I mean Log out button. Ayan tuloy nawala na ang pagiging cool ko.
"Uh... Bukas na lang ulit matutulog na ako. Hindi kasi ako pwedeng mahuli sa klase. Hehehe. Matta ashita(See you tomorrow) Shiro." Mabilis kong sabi na may halong pagkakautal. Ito ba talaga ang epekto ng awkward moment na ito?! Kainis! Ang awkward naman nito. Buti pa mag-log out muna ako. Nakakahiya 'to!
"Teka sandali Kazu--" Naputol na pagkasabi ni Shiro. Eh kasi naman bago pa niya itutuloy ang kaniyang pagsasalita, pinindot ko na ang log out button. Nakakainis! Ano bang nangyayari sa 'kin?!
*_________
Pagmulat ko sa aking mga mata, napansin ko na 10:30 na pala ng gabi. Napatingin ulit ako sa kisame at bigla na lang may sulmulpot sa isipan ko. Sa tingin ko isa iyon...
Baka! Yun na naman?! Nakakainis! Bakit na lang iyon inulit sa utak ko?!
Agad kong tinanggal ang NerveSphere sa ulo at inilagay ito sa ibabaw ng aking mini cabinet. Pagkatapos ay kinuha ko ang unan at tinakpan ko ang aking mukha nang dahil sa embarrassment. Kainis kasi. Bakit hindi niya sinabi na siya pala si Jiroshin?! Baka.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Science FictionHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...